Bella Donna Vistal
THE SPACE INSIDE Fredah’s apartment is not that huge. Ngayon lang siya nagkaroon ng ganito, nung simula na maging sila ni Conrad. She didn’t use it that much, hindi rin naman talaga rin kailangan. Pero tingin ko ay ginawang hang-out place na lang nila ng nobyo niya.
“Your cellphone is ringing,” puna ni Rive at huli na nung mapansin ko ang tumatawag sa akin na si Daddy. His name was registered on the screen, only his name. Dom. My father is the police, gaano man ito ka-strict ay malambing at mapagmahal siyang ama. “Sino yan? Akala ko ba wala kang boyfriend?” he lazily rested his hands under the table as he leaned backward. Watching me.
Gusto kong tumayo pero nakakulong ako sam ga hita ng lalaking ito. Agad kong sinagot ang tawag at tumikhim. Umayos ako ng upo kahit alam ko ang mga titig ni Rive ay nasa akin.
“Nasaan ka Donna? Ang sabi ng caretaker ng iyong tinutuluyan ay lumabas ka raw.” My father’s voice doesn’t seem suspicious. Wala rin naman dapat na ikabahala dahi lang-aaral lang naman ako.
Tamad akong tinignan ni Rive.
“Kasama ko pos i Fredah, group study po para sa exam. Uuwi naman po ako ngayong gabi. Mga…” I swallowed hard and glanced at the wall clock. “Ten PM. Or Nine…”
Rive becomes settled after shifting a bit. I got alarmed when he straightened up and crouched a bit to lean forward on me. Akala ko kung anong kabastusan ang gagawin pero inabot niya lang pala ang libro sa tabi ko.
“Osige. Message ka kapag nakauwi kana… kayo lang ba ni Fredah?”
Halos mahigitan ako ng hininga.
“Ka-kasama po namin boyfriend ni Fredah,” utal kong sambit at biglang kinabahan. My father became silent, and I heard him sigh heavily.
“Uuwi ka ngayong gabi. Hindi ka magpapalipas ng gabi riyan. Okay?” pormal at seryoso niyang usal.
“Opo, Pa! Uuwi rin ako,” malambing kong sambit. “I love you, byee.”
Nang binaba ko ang tawag ay nakita ko ang paninitig ni Rive sa akin at konting ngisi na naglalaro sa labi.
“Ang aga mo naman uuwi. Kahit ten na, ako na ang bahalang maghatid sayo.”
“Mag-aaral na ako, yung lamesa.” I ignored his offer. Sinulyapan niya ang inuupuan ko.
“Okay!” he snapped and went to sit beside me. Gulat ko siyang tinignan at binalik naman niya sa akin ang titig. “Mag-aaral din ako.”
I didn’t bother to argue with them. Tingin ko ay humahaba na an gaming pag-uusap, tingin ko rin ay nasasayang na ang oras namin sa walang kwentang bagay. Thankfully, he also started to study with me.
“Do you know this?” He pointed at the terminology that was not familiar to him.
Ang ginawa ko naman ay nag-explain ako sa kanya at pinaliwanag iyun. It went smoothly, somehow.
“Strict ba ang parents mo?”
“Sakto lang naman. Mukhang lahat naman ng parents strict, in just different ways.”
“Bawal ka mag-boyfriend?”
Natigil ako sa pagsusulat.
“Bawal pa. Pag-graduate na.”
“Pwedi na kapag naka-graduate na?” he enthusiastically stated. Sinulyapan ko siya at tumango. “Two years pa, tagal…” he murmured.
The door opened and the couple came in with food that I think they bought. Maya-maya lang ay uuwi na ako pagkatapos makakain. So I can sleep when I get home.
“We are back!” masayang paalam ni Fredah as she went into her kitchen. Habang si Conrad ay pasimpling kinindatan si Rive at nung makalapit ay tinapik sa dibdib.
“Ayos ba?” Conrad meaningfully whispered. Napasulyap ako sa dalawang magkaibigan. Rive was smirking boyishly but when he saw my serious stares he tried to become serious.
“Bilis niyo naman,” tanging sagot ni Rive sa kanya.
Conrad laughed and went to lean on the back of the couch in front of us.
“So, Donna. How was Rive? Kumusta siyang kaklase?” he strikes up a conversation, hindi ko maalala kung kailan ba kami nag-usap ng isang ‘to dahil mukhang hindi pa at ngayon lang ito.
“Hindi ko pa siya naging kaklase kailanman.” Binuklat ko ang libro, halos lakasan ang paglipat ng pahina para malaman nila na ako ay abala.
“Really?” Rive was a bit surprised as he put his arm behind the backrest of the couch. Sinulyapan ko iyun at napabuntong hininga. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan. “Kung nakilala na sana kita noon…” hindi niya naituloy ang sasabihin dahil rumiin ang titig ko rito.
“Magkaibigan na ba kayo ni Fredah nun?” Conrad asked.
“Oo.”
“We should go out sometimes, like go to the beach, outing mga ganun,” suhestyon ni Conrad.
Rive was carefully watching me, tila magandang ideya iyun para sa kanila.
“Wala akong pera para riyan,” I said with all honesty.
“Ako ang bahala sayo. I’ll pay for everything you need, kahit damit at gamit na kailangan mo ako ang gagastos.” My heart becomes alarmed, sinusuhulan ba ako nito at dinadaan sa pera niya? “You don’t need to worry about anything when you’re with me,” seryoso at marahan niyang usal.
I almost fell into his trap not until I heard Conrad smirking like he couldn’t hold it anymore. Nakita ko ang pagtalim ng titig ni Rive sa kaibigan dahilan para mapatikom siya ng labi.
“I’ll check my girl in the kitchen,” paalam ni Conrad.
“Ano? Kailan mo gusto? Set a date and we will adjust it for you. Kung saan at kailan mo gusto.”
“Edi mag-beach kayo. Bakit kailangan pa ako roon?” I turned the page again, annoyed a bit.
“But I want you to come with us. You can even bring friends with you, I am okay with it. Kahit ilan pa ang dalhin mo, kahit sino pa. Basata gusto ko kasama ka.”
“Ayoko.” Umiwas ako ng tingin. He looked persistent though, not until Fredah called us to eat with them in the kitchen.
Sabay kaming tumayo ni Rive at naggawi sa kusina.
“Your favorite!” Fredah handed me the milk-tea with my favorite flavor on it.
Napangiti ako at pinasalamatan siya. Rive was clueless as he tried to stare at my drink. Kinuha ko ang straw pero iagaw din sa akin ni Rive at siya mismo ang naglagay nun. Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng pagkain.
“Tara sa sala,” Conrad whispered to Fredah. And my friend is too innocent for this guy. Dahil akmang aayain kami pero umiling lang si Conrad at hinila na ang kaibigan ko.
Sinundan ko sila ng tingin at may pangamba lagi na nararamdaman tuwing naiiwan silang dalawa. Lalo na at sinarado nila ang pintuan ng kusina. Halos mapaahon ako sa upuan ko para lang sundan sila ng tingin kahit alam kong impossible na iyun.
“Masarap ba yan?”
“Eto? Oo, depende sayo. Iba-iba naman yung taste ng mga tao. Ewan ko kung magustuhan mo.” Sumipsip ako sa straw. “Dapat nagpabili ka rin kay Fredah, ikaw lang yung walang milk-tea.”
“Patikim nga,” bulong niya sa akin at nilagay ang braso sa likod ng upuan ko. Halos maramdaman ko ang pagdikit ng mga daliri niya sa aking balikat.
“Ahh…” hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan na niya yun habang hawak ko at nilagay sa bibig niya ang straw. I got stunned when he sucked the straw to sip from my drink. Napalunok ako nung lumunok siya. He pursed his lips and licked them afterward.
“Masarap naman,” he commented. “Paborito mo yan?”
Tumango ako at umiwas ng tingin sa kanya. I got an electric effect spreading throughout my body now that I can our bodies becoming comfortably close to each other.
“Durig break in our department, kumakain ka ba sa cafeteria?”
“Hindi, mahal ang mga pagkain doon. May baon ako, kumakain ako sa cafeteria kapag kasama si Fredah, sinasamahan ko siya. Minsan kapag hindi kami sabay, sa bench lang ako sa labas ng building.”
“Bakit hindi kita madalas makita?”
“Kasi nasa likod ka ng building?” I uttered meaningfully. May ginagawang kababalaghan doon kaya sa malamang ay hindi talaga tayo magkikita.
He chuckled and his chest went closer to my shoulder so that I could already feel it.
“Hatid na kita pagkatapos mong kumain?” banayad niyang tanong.
“Magta-tricycle ako.”
“Gabi na. Hatid na kita.”
Mariin akong umiling at nagpatuloy sa pag-inom ng drink ko. Rive attempted many times to drive me home, kahit si Fredah ay nakiusap na rin na magpahatid ako. Pero hindi, umuwi ako mag-isa at nagawa ko naman makauwi bago mag alas nuebe.
NAPAHINTO AKO sa pagche-check ng papel ng aking mga kaklase nung marinig ang tilian ng mga babae at nagkumpulan sa pintuan n gaming room. Hindi naman ganun kalakas ang tili nila, pero naroon pa rin ang ingay at pagsimula ng mga pagpapahayag ng kanilang papuri.
“Ang guwapo.”
“Kasama yung pinsan, si Silverio. Ang sasarap.”
Naghagikhikan ang mga babae sa may bintana. This is not unusual to me. Two year na at sanay na rin naman ako, simulang unang tapak ko rito ay isa na rin ako noon sa nakikitingin sa may bintana. Admiring the gorgeous faces of those guys, pero kalaunan nawala na rin ang interes ko at napalitan ng dismaya.
“Si Donna?” a baritone voice I heard outside our room.
“Si Miss Vistal?”
“Si Donna raw!”
Kanya-kanya nilang saad at ang isa kong lalaking kaklase ay tinuro pa ako na para bang may kasalanan akong nagawa. Huminto ako sa ginagawa at umangat ang tingin sa may pintuan, gumilid ng iilang kaklase ko roon, una ay binati si Rive at Silverio. Rive came inside, and Silverio waited outside.
Napaayos ako ng upo habang hinihintay ang paglapit ni Rive sa akin. Maayos ang buhok at malinis ang porma. Maayos din ang uniform niya, hindi noon na gusot lalo na kapag uwian na.
“Good afternoon,” he greeted casually. Pumuwesto siya sa gilid ko at nilagay ang dalawang palad sa upuan ko at sa lamesa. Yumuko para tignan ang ginagawa ko. “Checking papers? Is my paper included there?”
Kumalabog ang dibdib ko at bigla akong pinagpawisan, lalo na at nakikita ko ang mga mata ng mga kaklase ko. Pinapanuod ko at tahimik lang sila, gulat na gulat sa malamang dahil wala naman akong lalaking kinakausap o nali-link sa akin.
“Wala. Papers ito ng block namin.” Umangat ang tingin ko sa kanya pero bumagsak agad iyun sa kanyang leeg at dibdib.
“Sayang. Hindi kita masusuhulan.” He chuckled sweetly at my ear.
“Rive!” paglapit ni Silverio bitbit ay plastic at isang paper bag. Kinuha iyun ni Rive at tumango sa pinsan niya.
Nilapag niya sa lamesa ko iyun. Nakita ko ang milktea na ininom namin nung isang gabi. At isang tingin ko a sandwich galing pa sa mamahaling restaurant. I bit my lower lip. Tumagal ang titig ko sa milktea na paboritong paborito kong inumin, that sometimes I couldn't afford to drink it often because I have to tighten my budget.
“I just want to see you.” Yumuko siya at nilapit ang lab isa aking tainga. “Ayoko ng makaabala pa, namumula kana at pinagpapawisan.” He chuckled sweetly and fixed the strand of my hair to put it behind my ear.
Masama ko siyang tinignan pero balewala iyun sa kanya at umayos lang ng tayo tsaka nagpaalam na sa akin. Pati na rin sa mga kaklase ko na nagtilian na ngayon ay mas malakas na, nung umalis na ang dalawang lalaking pinagkaguluhan.
Parang bigla akong nanghina at hindi ko alam kung magagalit o magpapasalamat. I didn’t want to look ungrateful so I ate the food, kahit masama ang loob ko. Hindi ko rin alam kung bakit.