ROOM

1397 Words
Bella Donna Vistal Rivenom Seve Buenavista, the notorious playboy in our university. Magkakaibigan sila na nakilala dahil sa walang ibang ginawa kundi ang gumimik, mambabae, at magwaldas ng pera. Their group has been involved in different scandals, chaos, and disobedience from breaking most of the rules in the University. Bago ako tumapak sa kolehiyo ay alam ko ang mga dapat iwasan. Nandito ako para gum’raduate, nandito ako upang makapagtapos sa magandang escuelahan at makuha ang diploma ko. Makapagtrabaho at magkaroon ng establing pamumuhay. Para makatulong sa aking pamilya balang araw at mapag-aral ang dalawa kong kapatid. Alam ko na ang mga bagay na dapat iwasan. Alam ko kung sino ang magiging malaking sagabal sa aking pag-aaral. Ngunit ang mga bagay na bawal ay sadyang mahirap tanggihan, ang mga taong hindi maaari ay pipiliting subukan, paniniwalaan, pagkakatiwalaan. Dahil sa traydor na puso ko ay sumugal ako… na pweding magbago. That there will always be an exemption, and I chose to believe that I am the exemption among the other girls. Pero hindi, isa rin lang pala ako sa mga babaeng mapapabilang sa koleksyon nito. Wala akong pinagkaiba sa kanila. “Aaw! Dahan-dahan lang, Rive. Ma-masakit.” “Ssshhh. I am taking this slow...” his hoarse voice gives the room more tension with inescapable lust and pleasure. “The pain will go away eventually. Masarap ‘to.” Halos manindig ang balahibo ko sa huling sinambit niya. Pagod akong napabuntong hininga at tinignan ang salitang nakalagay sa itaas ng pintuan. Halos hindi ako makalunok dahil hindi ko yata masikmura ang mga naririnig mula sa loob. ‘2-A (Political Science)’ I couldn’t believe that in my two years here in college, my ears and eyes has been violated by this chicks’ hunter of our department. And has never been innocent because of his unbelievable actions in this school. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ay lumabas na roon ang lalaking nasa loob. He was putting his belt on while breathing heavily. Bukas ang dalawang buttones ng polo at magulo ang buhok. Pinanuod ko siya sa harapan ko na gawin iyun, his stares dropped on my black school shoes first. He smirked as his head lifted to looked at my face in a gradual manner. Mabilis akong umiwas ng tingin at gumilid. Like what I’ve always do everytime our path cross. To move and give him the space for his way. To never block. To never get his attention. To avoid him and dissapear as much as I can without leaving any trace. “The room is not occupied, bakit nandito ka sa labas naghihintay?” he started talking to me, with the same voice that I always heard everytime he is around women. Flirty, enticing, and filled of deceiving choice of words. Rivenom Seve Buenavista, he creates his own venom that poisons every mind of the students here. Kahit hindi estudyante rito ay nakukuha niya basta babae. Kahit sino ay napapaikot at napapahulog niya. Basta tipo niya, basta gustuhin niya. Siya na ang pinakagagong lalaking nakilala ko. At ayaw ko nang kilalanin pa ng mas malalim, sapat na ang kagaguhan na alam ng nakararami tungkol sa kanya. “Anong gusto mo? Pumasok ako at panuorin kayo sa ginagawa niyo sa loob?” I asked filled of disgust. Hindi na napigilan na kausapin siya. He let out an amusing laugh. Mayabang siyang lumapit sa akin at nilagay ang isang braso sa dingding, nakaharap sa akin ng maayos tsaka bumagsak ang mga titig sa aking school ID. “Pwedi naman at pagkatapos ay ikaw naman ang sumunod.” Disgusting! Pero imbes na magsalita ay tinikom ko na lamang ang mga labi ko at piniling tumahimik. The more I talk, the more his ego will boost. The more he’ll talk to me with his disgusting perspectives in life. Makitid ang utak nito, hindi na lang gumaya sa nakakatanda niyang kapatid na achiever at may patutunguhan ang buhay. Palibhasa mulat sa karangyaan. “Excuse me,” pagbabalewala ko sa kanyang sinabi at akmang lalampasan na siya ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Pulling me a bit closer in front of him. “What a snob woman,” he muttered on his playful voice. Trying to allure me on his seducive eyes and pursed lips. “Parang hindi naman tayo magkaibigan... Donna.” Magulo ang buhok at may malademonyong ngisi, ito ba ang kinahuhumalingan ng mga babae ngayon? Yes, he is hot and gorgeous. Pero dahil lang dito ay itatapon nila ang halaga at sarili nila? There are gorgeous men out there, with substance and intellect. Para sa akin, hindi ganitong lalaki ang titingalain at hahangaan ko. Dahil doon ay napabaling ako sa kanya at tumaas ang dalawang kilay. “Hindi talaga. Hindi kita kaibigan, Mr. Buenavista.” His jaw moved, same goes to his adam’s apple after swallowing hard. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang salitang kaibigan, halata namang hindi niya alam ang pangalan ko. Akala niya ba hindi ko napansin ang pasimpli niyang pagsulyap sa aking ID? “Don’t pretend that we haven’t seen each other before. Pareho tayo ng kursong inaaral. Besides, your friend is Conrad’s new side chick.” Dahil doon ay nakuha niya ang atensyon ko. I know that Fredah is dating Conrad Ramirez, Rive’s best friend. Conrad Ramirez is an accountancy student near our building. Ngunit ang hindi ko alam ay ang sinabi nitong side chick. “Hindi side chick si Fredah,” giit ko. His lips parted like it was such an interesting topic and how amused he is that we are talking, tila ba natutuwa pa sa reaksyon ko. Napapadalas ang pagkikita namin ni Rivenom, dahil ang pareho naming kaibigan ay nagdi-date. Kaya minsan ay nagkakasalubong kami ngunit walang kibuan. I try to avoid him. “Your friend agreed to be a side chick. Ganun ka rin ba? Kunwari mailap sa mga lalaki pero—” I pushed his chest away from me. Nagmamadali ko siyang nilampasan at narinig ko pa ang paghabol ng halakhak nito. Imbes na pumasok sa loob ng silid ay dumiretso ako sa corridor. Ang nais lang ay makaalis sa nakakairitang Buenavista na iyun. But to my astonishment and even made me angier, is the fact that the bastard followed me. “Conrad’s side chick will be going in the foam party tonight. Are you coming?” he casually following me. Huminto ako sa paglalakad at inis na hinarap siya. Bumagal ang paglakad niya hanggang sa makalapit na sa aking harapan. “Stop calling Fredah a side chick, because she is not!” I pointed out, ngunit walang bakas na anumang pagbabago sa reaksyon niya. “How sure you are? Bakit hindi mo siya tanungin?” Napatikom ako ng labi at bumigat ang paghinga. “Ano ngayon kung side chick nga siya ng magaling mong kaibigan?” napataas siya ng isang kilay. “Why you have to talk to me about this? Ganun ba iyun kaimportante para kausapin mo ako tungkol dito?” He pursed his lips and tilted his head. “I’m just trying my luck if we can be friends, besides both of our friends are dating…” malandi nitong saad. “You know we can never be friends.” Anong klaseng logic mayroon ang isang ‘to? Nasa dugo nila ang pagiging matalino pero mukhang napagkaitan naman siya. “Rive!” tawag ng isang babae na hindi ko kilala ngunit nakasuot din ng uniporme. Chinita at maputi, mas matangkad sa akin ng kaunti. “I was looking for you, paglabas ko ng room wala kana.” Dahan-dahan itong lumapit sa amin at kunot nuo akong tinignan. Tinapunan lang siya ng tingin ni Rive tsaka ako muling hinarap. “8 PM mamaya, Donna. Foam party,” he whispered indulgently. “Sama ka kay Fredah.” Sinubukan niyang hawakan ang siko ko pero mabilis akong umiwas. “Rive, let’s go.” Pagsingit muli ng babae niya. Tinalikuran ko na sila at mabilis na naglakad palayo sa kanilang kinatatayuan. I didn’t glance back, I just walk straight in the corridor. Rive sometimes remembers my name, and the next day he will forget it. Pero isa lang ang sigurado ko, he already familiarizes my face. Nakilala bilang kaibigan ni Fredah. I don't mind if he already knows me, I'll stick to my plan. To avoid these crazy rich bastards in our school, to at least have... a peaceful college life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD