Bella Donna Vistal NAPAANGAT AKO ng tingin sa mga estudyanteng pumasok at tilian ng mga babae nung sabay magpakita ang magpinsang Buenavista sa room namin. Kanina ko pa hinihilot ang sentido ko dahil sa hindi matiis na sakit sa ulo. “Block C will join us for today’s discussion.” Iyun lang ang naintindihan ko habang sinusundan ng tingin si Rive na umupo sa tabi ng kaklase niyang babae. May group activity kami ngayon kaya siguro naisipan na pag-isahan ng pareho naming prof ang block sa araw na ‘to. I swallowed hard when Rive was grinning as he talks with his classmates and Silverio, pero napawi ang ngisi nung madakip akong nakatitig sa kanya. Tinaasan niya ako ng isang kilay at mayabang na tinignan. Galit akong umirap at mariin na hinawakan ang ballpen. “As you can see, I combined two b

