LIPS

1553 Words
Bella Donna Vistal MY BODY shivered when I looked down on the water. The ocean is crystal clear and the sand underneath is quite visible. Naghihintay sina Fredah sa baba habang nasa dagat. “Talon na.” I gasped and almost jumped at his shocking appearance. Nasa baba pa lang siya kanina, ang bilis naman niya makaakyat. “I thought you’re not scared of heights?” Naramdaman ko ang paglapit ni Rive sa likod ko kaya matalim ko siyang tinignan at may pagbabanta. “Go jump.” He rested his both hands on his waist as he entreatingly watched me. “Wait, sandali lang.” I put my palm on the hair and sighed heavily. “Are you afraid to fall?” he leaned on my ear to whisper that even though I was cold, his breath brought warmth on my body. Sa inis ko ay handa ko na siyang itulak sa pagdikit na naman sa akin. Pero bago ko magawa iyun ay hinawakan na niya ako sa baywang at hinila pabagsak sa dagat. “Aaaah!” I shrieked almost scaring the whole resort. Pakiramdam ko pati hayop sa ilalim ng tubig ay nabulabog ng sigaw ko. Hindi ganun kasakit ang pagbagsak ko sa tubig dahil nauna si Rive at niyakap niya ako mula sa likod. Umahon ako ngunit nanatila ang hawak ni Rive sa aking baywang. Habo lang paghinga ko at hinarap siya. He let his finger run through his hair, and he was grinning but when I madly removed his hands from my waist and hardly pushed his chest away from me ay naglaho ang ngisi niya. “It’s not funny!” mariin kong pahayag sa kanya. Tinalikuran ko siya at lumangoy paahon sa tubig. Natahimik sila dahil sa naging reaksyon ko. “What did I do?” Rive laughed in disbelief, asking his friends. “Was it bad? Anong mali roon?” Umahon na ako sa tubig at tinuyo ang buhok ko. Pagkaupo ko pa lang sa lounge chair ay nakita ko na ang paglapit ni Rive sa gawi ko. His movements, walks, and even how he shifted a gazed at me awakened many emotions inside me. Hindi na tama ito. He is gorgeous and attractive looking, pero habang tumatagal ay mas lalo siyang gumaguwapo at lumalakas ang appeal sa akin. “I got carried away. Galit ka?” And the more I get to know him… the more he appears sincere to me. Ngayon nahihirapan na akong matukoy kung alin pa ba ang totoo sa mga pinapakita niya. When he hugged me a while ago, bago pa ako bumagsak ay kumabog na ang dibdib ko. Maybe I overreacted, not because I am being KJ or what… pero dahil sa pagkalabog ng dibdib ko at kakaibang pakiramdam na bago sa akin ngayon. He took the bathrobe and put it on my shoulder to cover my body. I didn’t remove anything, kung ano ang damit ko ay yun pa rin. Wala akong planong magsuot ng bikini katulad nila. “I’m okay.” Umiwas ako nung subukan niyang hawakan ang pisngi ko at inangat para matignan siya. “Sorry,” seryosong ulit niya at tumagal ang titig sa akin. “Ipapahanda ko na ang yate.” He smiled at me. INALALAYAN NIYA akong makasakay sa yate habang may iilang tumutulong sa kanya roon. Sumunod siya sa akin at nagtaka ako dahil agad umandar iyun. Bumalik ako sa likod ng yate at napanganga nung makita na may isa pa roon na mukhang sasakyan ng mga kaibigan namin. And we are left here, just the two of us. “Bakit hindi sila sumabay sa atin?” Pinuntahan ko si Rive at naabutan ko siyang minamaneobra ang sasakyan sa dagat. Akala ko wala itong alam pero marunong din palang magpaandar ng yate. “Because… there is a spare one and they can use it?” He smiled at me. My eyes lingered on his naked upper body, his biceps were moving and doing some reflexes firmly. He glances at me and his lips moved a bit when he saw where I was looking. Humalakhak siya at hinila ako palapit sa kanya. Namilog ang mga mata ko nung pinuwesto niya ako sa steering wheel ng yacht. “Turuan kita. Tutal tinuruan mo naman ako sa pag-review,” he whispered and put my both hands on the steering wheel. He positioned himself behind me, nanginig ang kamay ko hindi sa takot kundi sa kanyang presensya. “Ri-rive…” bulong ko at napasinghap nung maramdaman ko ang kanyang panga sa aking balikat. “Yes?” he hoarsely responded. “A-ayoko. Ikaw na.” Sinubukan kong tumakas pero mas inipit niya ang katawan ko roon. “You’re doing great. Dito lang ako.” His warm breath went to my neck. Lalo pa ngayong naka-bun ang buhok ko. His breath freely went to my nape and neck. “This is fun. Jetskii sana tayo pero wala ng oras.” Ang kamay niya ay nakapatong sa kamay ko. Pigil ang paghinga ko, dahil hindi ako komportabli sa posisyon namin ay tinagilid ko ang ulo ko sa kaliwang banda, pero maling desisyon ata yun. “Much better,” he mumbled and chuckled sweetly and he closed the gap between us. Wala ng espasyo sa pagitan namin kung saan ramdam ko na ang dibdib niya sa likod ko. This is the most closed position we ever have had so far. “Bitawan na kita.” “Hu-huwag,” pigil ko at hinawakan siya sa kamay tsaka binalik iyun sa pagkakahawak doon. He smirked and when I glanced at him I caught him staring at me. “Hi-hindi ako marunong, ayoko na.” “Tama ang ginagawa mo.” His lips traveled on my ear. I stiffened when I felt his nose on my cheek. “Rive…” marahan kong pigil sa kanya. But he let me go and let me handle the steering wheel alone. Binitawan niya ako para humawak sa aking baywang at tuluyang pinirmi ang labi sa aking leeg. “Hmm?” he moaned as he responded. What the heck? We are not together so why is he... What a flirt! Hindi naman kami! Ang landi talaga nito. At bakit wala akong ginagawa? I should stop him. Oo, I should stop him. Itutulak ko siya. Pero… sino magmamaneho? Baka madisgrasya kami? I rolled my eyes on my excuses. Hindi pwedi ito, Donna. “Rive!” tawag ko sa kanya at tumaas ang boses ko. “Ayun sila oh!” Tinuro ko ang isang yate na may kalayuan sa amin. Tamad niyang sinulyapan iyun at agad rin binalik sa balikat ko ang kanyang malambot labi. “Bakit ang bilis nila?” I murmured to myself. Ang bagal naman ng takbo namin. “Rive,” tawag ko muli sa kanya. But he didn’t respond, bagkus ay mas inayos niya ang aming posisyon at pinulupot ang isang kamay sa aking tiyan. My body shivered and I stilled in my position. Kamay ko na lang yata ang gumagalaw. Nawawalan pa ng pokus sa pagmamaneho Napaawang ako ng labi nung maramdaman ang matigas na bagay sa aking likuran. It twisted behind me and grew harder. Napasinghap ako nung maramdaman ang marahan na pagdampi ng labi ni Rive sa aking leeg para halikan ako roon. “Ayoko na.” Umiwas ako at mabilis na kumalas. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at pinagpapawisang tinignan ang yate nila Fredah. “Ma-mainit,” excuse ko at tinignan siya. Pilit kong huwag bumaba ang tingin. Pero hindi k orin kaya ang malalim at nang-aakit niyang titig. He rested his both hands on his waist. Nahihirapan siyang napatingala habang kagat ang labi niya. His eyes dropped on me again, so I looked away. “Okay, ako na rito.” Tumango ako at akmang iiwan na siya. “Saan ka pupunta?” “Sa labas. Mainit,” pagrarason ko pa. “Dito ka lang, ihihinto ko na ‘to maya-maya. Kapag nasa gitna na tayo.” He tapped the space beside him, pweding maupuan pero hindi ko alam kung pwedi nga ba. “Upo ako rito?” “Kung gusto mo.” He smirked when our eyes met. May kung ano siyang ginalaw para bilisan ang pagpapatakbo ng yate. He licked his lower lip enjoying the wind blowing from the speed of the yacht. Tumagal ang titig ko sa kanya, how cool he looks while driving the yacht. And how hot he becomes each time the wind blows his hair and licked his lower lip. “Sarap?” baling niya sa akin. “H-huh?” I panicked at his question. “The wind. Sarap diba?” he said and smiled at me. I smiled back at him. Mabilis kong pinigilan ang ngiti ko nang mapagtanto na tumatamis ang ngiti ko sa lalaking ito. “You really are sweating,” he commented and wiped my sweat on my neck using the back of his palm. “Try to face the sea, para mahanginan ka.” “Ah… sige,” sambit ko at napalunok. Tinalikuran ko man siya ay minsan ay napapasulyap ako rito at tumatagal ang titig ko sa kanya. He kissed my shoulder and neck, ramdam ko pa rin ang labi niya sa katawan ko. Kahit ang mabango niyang hininga. At… may kakaiba siyang emosyon na binubuhay sa akin. Emosyong…bawal pang maramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD