Bella Donna Vistal I GLANCED AT my maid and they handed them the gifts and luxurious bags for the people who were inside the disciplinarian office. Bukod roon ay mas ginawa kong espesyal ang regalo sa magulang na nagrereklamo at sa anak nito. “I am so sorry for what my son did, hayaan niyo at pagsasabihan ko siya.” Sinubukan kong ngumiti sa kahihiyan na dala ni Daniel ngunit katahimikan ang naging tugon nila. I heard Daniel softly laugh so we all glanced at him. Napanguso ito at may iritasyon na umiwas ng tingin, binaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon. Kumulo ang dugo ko sa asta nito at mas lalo niya lang akong pinapahiya. Wala na talaga siyang gagawing iba kundi magbigay sakit ng ulo. “Mrs. Madrigal, this is not the first time Daniel made trouble in the class.” Napaayos ako ng u

