Bella Donna Vistal
KUNOT NUO akong nagtitipa sa aking cellphone habang nakahilig sa barindilya ng second floor. Isang suyod ng tingin sa kabuuan ng lugar bago bumagsak sa screen ng cellphone ko ang aking mga mata.
“Where are you Fredah,” I whispered and bit my lower lip.
Natigil lang ako sa pagkabalisa nang maramdaman ang dalawang braso sa gilid ko na pagkulong sa akin. Napaawang ako ng labi at napaharap sa kung sino mang tao ang nasa likod ko. Mas napahilig ako sa barindilya ng matagpuan ang mapungay na mga mat ani Rivenom at kanyang amoy na pinaghalong alak at pabango.
Yumuko siya at sinulyapan ang messages ko kay Fredah.
“Are you looking for your friend?” Mabilis kong binaba ang cellphone ko at umiwas ng tingin. He crouched even more to reach my ears. “I can help you find her.”
I flinched when I felt his nose on my ear. Masama ko siyang tinignan pero malambing niya akong nginisian.
“Bakit hindi ka na lang bumalik sa lamesa niyo at daluhan mo roon ang mga babae mo.”
He pursed his lips and straightened up. Napatingala ako at mas napagtanto kung gaano ba talaga ito katangkad. That his height can attract many eyes around us, including his looks. If I tiptoed, then I probably reached his jaw.
“Wala roon yung gusto ko.” He looked at me again.
This is a big-time asshole. Ang galing talaga.
“I was trying to invite you, I almost got bored tonight. Mabuti na lang at nakita kita…” pabitin niyang usal at napasulyap sa suot ko. “Kahit ganyan ang ayos mo.” He chuckled and intentionally bit his lower lip.
Wala akong maramdaman kundi inis at pagkakasuka sa kanya. Dahil alam ko ang kanyang reputasyon at hindi ko makitaan ng sinsiredad anumang gawin niya. From all of our interactions, I never saw sincerity from him, but just lust and pleasure from his body wanting to dominate girls.
“Mukha ngang bored na bored na,” sarkastiko kong sambit at napairap. Tumikhim ako at tiningala siya muli. “Excuse me?” I gestured to him that I wanted to leave and he was blocking me. Imprisoning me in his arms.
“Mag-usap muna tayo…” malambing nitong usal.
Napangiwi ako at nabubuhay na ang inis.
“I need to find Fredah. Please, get out of my way.” I put my hands between us. Gusto ko siyang itulak sa dibdib pero ayoko rin naman siyang hawakan. But the asshole took one step forward just to annoy me even more. Halos sumiksik na ako sa barindilya, hindi siya tumigil hanggang sa magdikit ang palad ko sa kanyang dibdib.
I closed my fist and my eyebrows crumpled in annoyance.
“Hinahanap na siya ng mga tao ko. Mas madali nilang makikita ang kaibigan mo. Habang ginagawa nila yun, why don’t we wait inside my car?”
Baliw na siguro ‘to.
“Makinig ka, Mr. Buenavista,” seryoso kong sambit sa kanya at napatango naman ito dahilan para mairita lang ako. The way he becomes attentive while locking his eyes into mine makes me a bit anxious. Lalo na at seryoso siya at may kalamigan ang mga mata. “Don’t waste your time on me. Marami pang babae riyan. Spare me because we won’t work together. Una, hindi malandi. Pangalaw, hindi pumapatol sa malandi. Pangatlo, malandi ka.”
He dramatically looked hurt and moved his nose like the words stung his heart. Gago talaga ‘to. Ang alam ko ay psychology ang kanyang kapatid, bakit kaya hindi ito i-assess, mukhang malakas na ang tama.
“Do you even remember my name?” panghahamon ko sa kanya sa maliit na boses.
“Donna…” he mumbled back immediately in a serious tone. “Alright then. We can wait here if you want. I just offered my car so you will feel comfortable. Mukhang hindi komportabli sa ganitong lugar.”
“Kaya magkaiba tayo. Landiin mo na lang yung mga katulad mo, okay?” sinubukan ko siyang ngitian ng pilit.
There is a ghost of a smile on his lips that he is trying to restrain while staring at me. Looking entertained and amused, as his lips pursed his eyes went down on my lips.
“I’ll join you and leave my world. Baka hindi lang ikaw ang magustuhan ko pati mundo mo.” Tumikhim siya at yumuko ng kaunti. “Ano ba ang mga gusto mo? Mga lugar kung saan kita pweding makita? Ako ang pupunta sayo.” He determinedly smirked. His lips stretched while his eyes looked deep, mysterious, and cold.
“Rive!” A group of guys went to him. Tumikhim si Rive at umayos ng tayo, hindi niya sinulyapan ang mga lalaki bagkus ay nasa akin pa rin ang titig na tila may hinihintay na marinig mula sa akin. “We found Fredah. Nasa parking daw.”
He bit his lower lip while still looking at me, the confidence was evident in his stance.
“Told you… things become easily if I am with you.”
Yabang talaga. Ang lalaki ay napasulyap sa akin at ngumisi bago nagpaalam na umalis para bumalik sa lamesa nila.
“Dadaan ako.” I finally took the chance to put my one hand on his chest to push him, lalo na at alam ko na kung saan matatagpuan ang kaibigan ko. Pero ang gagong si Rive ay napatingala at may papikit pang ginawa tsaka nagpakawala ng mahinang ungol. Halos manindig ang mga balahibo ko sa batok, this is not my first time hearing him moan. Like I can hear it everywhere from him in the school. Pero ang malapitan at klaro ay nagbibigay dumi sa aking isipian. “Tumigil ka nga, nakakadiri ka!” saway ko sa kanya at sinampal siya sa dibdib.
Nagpakawala ito ng malakas na tawa at hinawakan ako sa baywang. Pinadaosdos doon ang kamay niya na tila ba eksperto na. Halos hindi ko nga mapansin iyun pero dahil wala namang gumagawa nun sa akin ay talagang mapapansin ko.
“Let’s go then?”
Agad kong tinanggal ang kamay niya at nauna na sa paglalakad. Ang mga tao ay napapabaling sa akin kaya nung tignan ko ang likuran ko ay doon napagtantong nakasunod si Rive. May iilan pang bumabati sa kanya. At iilan na gusto pa siyang pigilan para makipag-usap. But he followed me until we got in the parking lot.