PROLOGO

1641 Words
Bella Donna Vistal * * * * ISANG MALAKAS na sampal ang natanggap ko matapos kong ipaalam ang malaking problema na aking dala sa pamilyang ito. Iilang sapak, sampal, at sabunot ang aking natanggap mula kay mama. Nanghihina siyang inawat ni papa na kahit galit at pagkamuhi ang nararamdaman sa akin ay hindi kayang makita ako na pisikal na nasasaktan. I have no anticipation to wholeheartedly avoid the physical hurt, taas nuo kong tatanggapin ang bawat pananakit. Because that’s what I deserved… to wake myself up from illusion, nasaan na ba ang Donna na mataas ang pangarap? Napahagulhol ako at ramdam ko ang panghuhusga sa mga mata ng aking dalawang nakababatang kapatid. Bukod roon ay ramdam ko ang kabiguan na hatid ko sa kanila dahil sa aking malaking pagkakamali. “Malandi ka! Ano ang aming pagkukulang para magkaganito ka? Nagrerebelde ka ba sa amin?! Bakit?! Saan kami nagkulang sa pagpapalaki sayo?!” sigaw ni mama sa akin ngunit tanging nagawa ko lamang ay mapayuko at pigil ang pag-iyak sa gitna ng paninikip ng dibdib ko. “Tama na Bea, tama na iyan at hayaan mong magpaliwanag ang iyong anak—“ “Para saan pa?!” pumatak ang luha sa pisngi ni mama at halos madurog ang puso ko na makita siyang lubos na nasasaktan. Bumaling si mama sa aking kapatid. “Ikaw, Diane. Makinig ka sa akin. Huwag na huwag mong gagayahin ang kapatid mo. Naiintindihan mo? Huwag mo siyang tutularan, dahil ang ginawa niya ay hindi katanggap-tanggap. Naiintidihan mo?! Sikapin mong makapagtapos, sikapin mong mag-aral ng mabuti para makaalis ka sa buhay na mayroon tayo. Naiintidihan mo?” mariin niyang sambit. Hindi ko maatim ang mga salitang binibitawan ni mama na alam kung dapat kong matanggap at marinig sa kanya para matauhan ako sa kahibangan na ginawa ko. Maling mali, ngunit nagtiwala ako. Dahil mahal ko… akala ko kaya kong baguhin. Katulad ng ibang babae, hindi ako ang tipo na seseryosohin niya. Hindi ako ang babae na kayang abutin at bumagay sa mundong ginagalawan niya. “Sino ang ama ng batang dinadala mo?” Halos mamanhid ang buong katawan ko sa tanong ni papa. May diin at pagkamuhi ngunit alam kong kinakaya lahat maging kalmado lamang para sa amin. Bumaling si mama sa akin na tila nagsisimula na namang umusok sa galit. “Bella Donna! Sino ang ama ng batang dinadala mo?! Sino ang nobyo mo?!” halos mapatalon ako sa sigaw ni papa sa kanyang kinauupuan. Nasagad ko na ang pagtitimpi nito. Nobyo? Naging nobyo ko nga ba siya? Girlfriend ba ang tingin niya sa akin? Dahil kung iisipin ko ngayon ang naging takbo ng relasyon namin ay isa lang naman ako sa mga babaeng napaikot at nahulog sa patibong niya. Hindi niya ako tinuring na nobya. Napayuko ako at umiling, sunod-sunod ang pag-agos ng luha galing sa aking mga mata. Narinig ko ang dismayadong pagbuntong hininga ni mama. “Diane, sino ang nobyo ng ate mo?!” tanong ni mama sa nakababatang kapatid ko. High school ito at hindi nalalayo ang edad sa akin, malapit kami kung kaya umaasa itong makakakuha roon ng sagot. Napatitig sa akin si Diane, dahil maski siya ay kilala ako kung gaano kaingat at kailap pagdating sa mga lalaki. At alam niya na buong buhay ko ay hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo. “Hi-hindi ko po alam ma, walang nababanggit si ate.” Muling napabaling si mama sa akin. “Sino ang ama na dapat managot sa pagdadalang tao mo?” mahinahon na tanong ni papa. “Sino siya at kailangan nating makausap! Kailangan niyang sustentuhan ang anak mo!” Halos mamutla ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang ipresenta ang pamilya ko sa buhay na mayroon si Rive, ayokong magmukhang kaawa awa. Ayokong maliitin nila ang pamilya ko. Ayokong mamilit. At wala rin silbi ang tatay ng batang dinadala ko. Wala silang maasahan sa kanya. “Hi-hindi ko alam,” tila isang malaking tinik sa akin na sabihin iyun. Sumugod muli si mama sa akin at isang malakas na hampas ng kanyang palad sa aking pisngi ang ginawa nito. Na siyang tinanggap ko at alam kong mangyayari. “Gaga ka! Anong hindi mo alam? Paanong hindi mo alam?” halos maghisterya ito. “Punyeta ka, Donna! Ipaliwanag mo kung bakit hindi mo alam.” “Hindi ko alam, marami akong naging lalaki habang nag-aaral. Hindi ko alam at hindi ko matukoy kung sino sa kanila. Hindi ko kilala!” pagsisinungaling ko at nilagyan ng maduming mantsa ang iniingatan kong dangal. I don’t want to see Rive, I already begged. At sino ang sunod na magmamakawa? Pamilya ko? “Magpapalaglag ako! Dahil hindi ko alam kung sino ang tatay ng batang ‘to!” sigaw ko na halos ilabas na lahat ng sama ng loob kay Rive. Isang malaking kasinungalingan, ngunit mas gugustuhin kong magsinungaling kaysa sabihin ang katotohanan. Si papa ay napaupo sa sopa at nilagay ang palad sa kanyang dibdib. Natigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata at nagsimula na magkagulo sa loob ng sala. “Tumawag ka ng masasakyan. Pupunta tayo ng ospital!” sigaw ni mama. “Inaatake ang papa mo!” Ang kababata kong kapatid ay nag-abot ng tubig. Si Diane ay nagsimula na sa paghagulhol habang humihingi ng tulong. Nanatili akong nakaupo sa pamumutla. Nang bumalik sa aking sarili mula sa takot ay tumayo ako para daluhan si papa. “Pa…” nanginginig kong sambit at hinawakan ang palad niya. “Pa, sorry, sorry,” paghagulhol ko kahit hindi alam kung naririnig pa ba ako nito. Ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking palad, mahigpit na tila ba narinig niya ang mga sinabi ko. Tila ba pinapahiwatig na narito pa siya at kasama namin. Wala man siyang sabihin ay ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala niya sa akin. Sinugod siya sa ospital. Ngunit agad rin siyang binawian ng buhay. KINALADKAD AKO ni mama palabas ng maliit naming bahay. Hindi pa naililibing si Papa nung paalisin na niya ako sa bahay, ni ayaw akong makita o makausap. Lubos ang kanyang pagkamuhi sa akin na kulang pa ang hampas at sampal para mapawi ko ang sakit na nadarami niya sa pagkawala ni Papa. “Huwag na huwag kang babalik dito. Wala kanang babalikan Donna. Wala kanang pamilyang babalikan. Binigo mo kami ng ama mo na nagsususmikap na mapagtapos ka. Wala na akong pakialam sa batang dinadala mo, wala na akong pakialam sayo!” dinuro-duro niya ako habang pinipigilan siya ni Diane na umiiyak, yakap si mama sa baywang. Samantalang ang kapatid kong si Drake ay hinahagod ang likod ni mama. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pananakit, pisikal at salita. Lumaki ako na naging mabuti sila sa akin, ngayon lang dahil isang malaking kabiguan ang ginawa ko. Ang mga pangarap ko na binitawan sa harapan nila ay ako mismo ang sumira. “Ma…” pagmamakaawa ko at lumuhod sa harapan niya. “Wala na ang papa mo. Hindi ka tanga para hindi isipin ito, alam mo kung bakit siya nawala. Ngayon magdusa ka habang buhay!” sambit nito sa mariin niyang boses at matatalim na salita. “Huwag kanang babalik, sinira mo na ang pamilyang ito.” “Ma, sorry. Sorry.” Nakaluhod kong pagmamakaawa sa kanya ngunit tinalikuran ako nito. That was my greatest downfall, losing my dreams, losing my father, and eventually I lost my family. Si mama na hindi man sabihing diretso sa akin ngunit alam ko na ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni papa, maski ako ay ganun din. Para sa akin ay isang balakid ang batang dinadala ko, pabigat. Now that I have nowhere else to go, this is going to be a burden to me. To my plans, if I keep the baby… “BE MY WIFE and I will make you become a billionaire. Marry me, Bella Donna Vistal.” Napatitig ako sa matandang halos naging regular na costumer ko na rito sa bar na aking pinagtatrabahuhan. “You’re pregnant, I want you and your baby. I want a family with you.” I swallowed hard, kasabay ang paglunok ko ng dignidad at pride ko. Wala nang natitira sa akin, isa na akong bagay na sinuka at hindi na matatanggap nino man. And this multi-billionaire man wants me… “I am captivated not just by your story. But also, how courageous you are for choosing to let the baby live despite the cruelty that happened to you. Let me take care of you and your baby.” I smiled bitterly, wala rin akong choice. Kung ako lang, ayoko rin ang batang dinadala ko. I need a job, I need to work. I need to become the provider for this f*****g baby. Tinitigan ko muli si Mr. Madrigal, ang alok niya ay magpapabago ng buhay ko. “Mamumuhay ka ng payapa, Bella Donna. Ibibigay ko sayo ang lahat na hindi kayang maibigay ng dating nobyo mo. Forget the past and live with me,” he offered, as always, wearing a genuine and warm smile on his lips. Alone, growing alone. And I know how lonely he is. Payapa? Hindi kailanman magiging payapa ang puso ko habang sumasaya si Rivenom Buenavista. Kailangan niyang malasahan ang pakiramdam kung paano isuka, ipagtabuyan, at magmakaawa. Hindi ako titigil. Hindi… My heart was filled with rage and hatred. Hindi lang sa sarili kundi sa ama ng batang dinadala ko. Sukdulan ang galit na nadarama ko. Kung kaya nangangako ako, darating ang panahon, ikaw naman ang paglalaruan ko Rivenom Seve Buenavista. Humanda ka. Humanda ka at magbabayad ka sa kahayupang ginawa mo sa akin. Do you like to play with fire? Then I won’t just burn you to fire. But I will f*****g bring you to hell. Babagsak ka at nasisiguro ko yan. Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakatitig kay Mr. Madrigal na naghihintay ng aking sagot sa kanyang alok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD