Stuck

2097 Words
Rule Six Stuck   Summer’s POV Tumakbo kami ni Cyrus palabas at sinundan silang lahat. I saw the Beta and his Alpha yelling at their members, telling them what to do, where to go and how to attack. “This is big trouble,” usal ko sa sarili ko at dahil sa lakas ng senses ng katabi ko ay nadinig din niya. “Definitely,” Cyrus stated calmly. Hinarap ko siya with a pair of accusing eyes. “Gago ka kasi talaga, Cyrus. Kasalanan mo ‘to, e. Ang tigas naman kasi n’yang bungo mo!” “Kasalanan ba’ng maging gwapo?” “Eh? Gwapo? Saan banda? Wala naman!” “Dito oh,” sabay duro niya sa mukha niya pagkatapos ay nilislis naman ang pang-itaas na damit at ipinakita ang six pack niyang abdomen at sinabing, “dito gwapo rin,” pagbitaw sa nilislis na damit, akma niyang ibababa ang zipper ng pantalon niya nang nanlalaki ang mga matang agad kong pinigilan ang kamay niya. Ngumiti siya at itinuro ang crotch area niya. “Dito rin gwapo.” Eesh! “Nakakapangalibot ng balahibo ‘yang ka-manyakan mo, Cyrus! Lumayas ka nga d’yan!” “Hindi ako manyak. Nagtanong ka kung nasaang banda ang ka-gwapuhan ko. Matitiis ba kitang hindi sagutin, honeysuckle? Sinagot ko lang ang tanong mo.” “Ewan ko sa ‘yo, letse ka!” inis kong asik sa kanya na tinawanan lang niya. “Grabe. Hindi ko talaga alam kung saan mo nakukuha ‘yang tapang mo sa pagmumura. Ang lakas, e. Bawas-bawasan mo, Summer. Babae ka pa rin naman kahit sabihin mong mangkukulam ka at kaya mong panindigan ang pagmumura mo.” Namewang ako at inis na humarap sa kanya. “Correction, sorceress ako at hindi mangkukulam. Malaki ang pagkakaiba no’n sa spelling pa lang!” “Whatever.” Inirapan ko na lang si Cyrus. Daglit rin akong napaisip. I really am a cussing machine for unknown reason. Back when I was young, tinuturuan pa ako noon kung paano umakto ang isang babae. Sa England, bawal ang magaspang. Naaalala ko nga ang Lolo no’n, makita lang niyang may tumulong sabaw o piraso ng tinapay sa hapag-kainan, ipapatapon ka na no’n sa Bermuda Triangle. Trained akong kumilos ng pino. Next in line din kasi ang byuti ko noon para umupo sa trono ng Wales. Pero ewan ko ba. Lumaki akong bastos at walang galang. Rude and rough. Sobrang taliwas sa inaasahan sa akin ng buong Hamilton clan. That’s why I’m also dubbed as the rebel princess besides the fact that I’m the Sector’s rule breaker. Pero sobrang tagal na no’n. Hindi pa rin ba maka-move on ang mga madlang utaw sa dating Summer? Hindi na ako ‘yon, e. I mean come on! I have a Royal blood, yes that’s a fact. But I was conceived magically. I don’t even have any idea where these powers came from. I just learned to use it. Abnormal ako. S’yempre abnormal din ang kilos ko. “Kids, lock yourself down, don’t open the door, alright? Take three men in, the others scatter your asses around the perimeters!” that was Spear yelling his commands na nagpagising sa akin mula sa pagde-daydream. Taranta na silang lahat. Ang tanging mga kalmado lang ay ang mga fighters, si Ron at si Spear. Ano ba naman itong ginagawa nila? Seryoso? Lalabanan nila ang Sector? Sawa na ba silang mabuhay at gusto na nilang mag-suicide? Pabuntong hininga akong lumapit sa kanya. “Alpha, those were hunters outside. They wouldn’t come here unarmed! Kapag lumaban kayo sa kanila, kayo ang mauubos!” “Anong gusto mong mangyari? Maghintay na umalis sila?” “No but think about your commands! Think about your strat—HOY!” aba tamang layasan ako? Dinig ko ang pang-asar na pagtawa ni Cyrus mula sa likuran ko. “Mas mainit talaga ang mga werewolf kaysa sa mga bampira. Parang ikaw.” “Oh? E’ ba’t si Zero parang werewolf kung mag-init ang ulo?” “Ang period kasi no’n parang iced tea. Bottomless.” Pfft!   ***   Pinanood naming magtakbuhan at maging abala ang lahat ng myembro ng pack na iyon. May mga ibang nag-shift na sa wolf form nila. May mga lumabas na rin ng masukal na gubat na iyon to where I am sure ay may nagaganap nang bakbakan. Napabuga ako ng hininga. “I’m pretty sure the hunters are armed with silver.” Common knowledge na ang kahinaan ng mga taong-lobo. Kung ang mga bampira ay namamatay sa decapitation, ang mga lobo naman ay namamatay sa pamamagitan ng pagpasok ng isang substance na maituturing na toxic sa kanilang sistema. Silver. Sa kahit anong anyo o porma basta’t may pilak ang substance, maaaring gamiting armas ang mga iyon laban sa mga taong-lobo. “Absolutely. Matagal na rin akong hindi nakakita ng hunters. Been actually years since I saw one.” “Oh you’re mortal enemy, Cy?” “Stan?” he smirked. “He’s not a hunter now.” Isa ring sorcerer si Stanley Reed. Siya ang matagal nang tumutugis kina Zero at Cyrus. Kabilang sa Sector ang buong angkan ng Reed. Legacy na nila ang tugisin ang magkapatid na bampira. Pero gaya ko, tumiwalag na rin Stanley. Marami nang talents na hunter ang nagbitiw sa posisyon. Hindi lang ako. Sa totoo lang naman kasi ginagamit na lang kami ng Sector para ubusin ang mga kauri namin— which will lead to extinction. At kapag kami-kami na lang ang natira, it would be possible for them to liquidate us. Tipong kami na lang ang nagpadali sa buhay namin. Kaya naman there’s no other choice but to quit. Napasinghap ako nang mahagip ng mata ko ang taong pasugod sa may kaliwang bahagi kung nasaan si Cyrus. “Watch out, Cy!” Bago ko pa man matapos ang isinigaw ko, Cyrus was already flashing to reach the gun with a silver bullet, aiming at a werewolf who’s busy fighting with the other hunters. Nagpalinga-linga ako. Kapansin-pansin ang dami ng hunters na halos nasasapawan na ang dami ng myembro ng pack ni Alpha Spear. “Cyrus! Stop it!” Sinasakal na niya ang lalaki ng sobrang higpit. Laylay na halos ang dila no’ng tao sa hirap niya sa paghinga. At alam ko ring na-sorpresa ang lalaking hunter na iyon dahil nakita niya si Cyrus sa loob ng isang werewolf pack. Oh no. I smell trouble with a capital T. “Anong sabi mo, honeysuckle? Hindi kita marinig!” pang-aasar niya sa akin. Nagtagis ang bagang ko. Anong gagawin ko? Kapag nalaman ng The Sector na nasa isang pack si Cyrus na most wanted sa kanila, pag-iinitan nila ang pack na ito. In return, hihingi naman ng tulong si Alpha Spear sa iba pang pack hanggang sa magkagulo na. Bloody hell! “Damn, just kill him! It can’t spread that you’re in a werewolf’s pack territory!” “It would confuse them which is why I think it is a good thiiiing!” He answered in a sing-sang tone while still holding the man against the oak tree. Watta cunning vampire. “Good idea but not faultless. May madadamay, Cyrus. It will cause a war against the werewolf’s pack!” “E ‘de anong gagawin ko?” “Just finish him.” Kasing-bilis ng kidlat na kinagat niya ang kaliwang bahagi ng leeg ng lalaki gamit ang kanyang pangil at pinutol ang ugat na sanhi ng pagtigil nito sa paghinga. Good thing hindi na niya pinag-interesang kainin pa ang katawan. Eesh, kadiri! “It’s nice of you to command me to kill someone,” birada na naman niya habang metikulosong nagpapahid ng dugo mula sa kanyang bibig. Nagkibit ako ng balikat. “I love my life.” “So?” “Bahala ka nang ikonek ‘yon.” Tinawanan niya lang ako. Napahinga ako ng malalim. Kailangang matigil ang laban na ito. Sisiklab lang ang gera kapag nagpatuloy ‘to. Kawawa ang pack ni Spear. Kawawa ang mga bata. “Spear!” tawag ko sa pangalan niya bago ko siya lapitan. He’s in a huge wolf form battling five hunters each armed with a silver bullet gun but he managed to finish them off so fast. “Alpha, you gotta stop your members outside. Ihinto n’yo na ‘to. Maawa kayo sa mga madadamay!” He just growled at me. Naging sanhi iyon ng bahagyang pag-atras ko sa takot na baka hindi ako kilala ng lobo niya. Pero sa kabila niyon, naglakas loob pa rin ako. “Look. Please… hindi n’yo mauubos ‘yan.” Then suddenly, a piercing howl echoed around the whole forest. Pakiramdam ko may nasugatan. O baka namatay? Kahit anupaman iyon, naging trigger ang alulong na iyon upang mas lalong maging agresibo ang mga lobong lumalaban. At hayun, bigla na lang akong tinalon ni Alpha Spear ng walang sabi-sabi, and towered over me in his whole huge wolf form. Lumanding ako sa may damuhan. He’s growling at me. Nakatingin siya sa akin na parang gusto niya akong gawing hapunan niya at lapain. Diyos ko po! H’wag naman! Natatakot ako sa kanya. At natatakot ako dahil kinatatakutan ko siya. May sense ba? Wala yata? Ay, ewan! Basta. Isang tao lang naman ang kinatakutan ko buong buhay ko—si Daddy. Minsan kinatatakutan ko rin naman ang sarili ko pero s’yempre hindi counted iyon. Unang beses kong matakot sa isang tao bukod sa Daddy ko. Bakit naman si Spear pa e puchu-puchung Alpha werewolf lang naman siya. Kayang-kaya ko siyang gawing palaka kung nanaisin ko. Bakit ako natatakot sa kanya? Bakeeeeeet? Sa kabila ng kabang nararamdaman ko, pinilit kong manatiling kalmado ang tono ko nang kausapin ko siya. Na para bang wala siya sa ibabaw ko, na para bang hindi ako nasisindak sa mga mata niya. “Kapag ipinagpatuloy n’yo ‘to, lilikha ‘to ng gera. Iilan lang kayo. Galing na ako do’n, Alpha Spear, and trust me, hindi n’yo kayang tumbasan ang numero ng mga Sector. May iba pang paraan para paalisin sila sa teritoryo n’yo ng walang nasusugatan o nasasaktan.” He keeps looking at me. Nakahiga ako sa may damuhan habang nakadagan itong lobong ito sa akin at matalim ang titig. Nakakatuwa sana ang mata niya sa anyo niyang lobo. Kung hindi lang talaga super talim ng tingin niya at parang gusto niya akong patayin sa titig niyang ‘yon, nalaglag na sana ang panty ko kanina pa sa kilig. Pumikit ako at huminga ng malalim. Focus, Summer. You can do this. I started chanting again. Something I cannot understand myself ngunit alam ko sa sarili kong tama. I feel the wolf still staring. I kept chanting kahit pa kinakabahan na ako. Honestly, natatakot na talaga ako sa kanya. Although mukha namang hindi ako pababayaan ni Cyrus, nakakatakot lang kasi talaga ang presensya nitong hayup na ‘to—este ng lobong ito. Baka kasi bigla na lang akong sagpangin habang nakapikit ako! Napapitlag ako nang makarinig ako ng isa na namang alulong. I opened my eyes to see him still staring at me. Kung hindi ko lang alam na may mate itong isang ‘to, paghihinalaan ko itong may crush sa akin. Ang lagkit makatingin, e! Tumikhim ako para pakiramdaman ang vibes niya at ipaalam na magsasalita ako. Nang wala siyang ginawa, nagpatuloy lamang ako sa sasabihin ko. “May barrier akong nilikha paikot ng buong gubat. Wala nang makakapasok. Walang makakalabas.” Grabe lang! Hindi ko mahabol ang t***k ng puso ko. Kinakabahan akoooo! “‘Y-Yong… ‘yong mga nakapasok na hunters,” dagdag ko nang tahimik niya pa rin akong tinititigan. “pwede n’yo silang tapusin. It’s safe…” Napapikit ako nang pakiramdam ko ay sasakmalin niya ako. Pero pagdilat ko, wala na siya sa harapan ko. Napahinga ako ng malalim at nanatiling nakahiga doon na pinagmamasdan ang langit na madilim. Ano bang nangyayari sa akin? “I hope you thought about what you did, honeysuckle. Let me just remind you of the barrier you created. Walang makakapasok, walang makakalabas. We’re stuck.” Oh hell. Tangaaaaa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD