Rule Thirteen Mates Are In The Air Summer’s POV Beep! Beep! Beep! Biglang balikwas ako mula sa kama dahil sa ingay na iyon. Pagkatapos ay napatingin ako sa gilid kung saan nanggagaling ang lapastangang ingay na iyon. Naibagsak ko ang sarili ko sa kama. May galit yata ang alarm clock ko sa kama ko at sa akin. Laging hadlang sa aming pagsasama! Joke! Charot lang! Kung anu-ano na lang naman kasi ang napupulot ko sa internet. Puno na ng toxic infos ang utak kong mula pa man noong umpisa ay wala nang laman. Pagkatapos ngayon naman, wala na siyang ibang laman kung hindi panay kabulastugan. “Waaaaaah! Late! Laaaaaaateeee!” sigaw ko nang magising ako thirty minutes later. Sinasabi ko na nga ba! Hindi kasi dapat ako nahihiga ulit kapag gising na! Ugh! Agad-agad akong naligo, nagbihis

