Chapter 30 Ariana Xiamara HABANG abala ako sa pagluluto sa kusina biglang sumulpot si Rodel sa likuran ko, nakangiti dala ang malunggay na pinakuha ko na pangsahog namin sa tinolang manok. Ang ibang mga kasambahay abala sa kung ano–anong inuutos ng ina ni Azreal. Simula kanina pa siya daldal nang daldal, kung anu–anong bagay ang kinukwento—mula sa mga kalokohan niya noong bata hanggang sa mga naging karanasan niya bilang personal bodyguard ni Azreal. Hindi ko maiwasang matawa sa iba niyang kwento, kahit papaano ay nawala ang mabigat na iniisip ko. "Bukas tuloy na enrollment mo," sabi niya habang . "Mag–aral kang mabuti hindi lahat nabibigyan ng ganyang oportunidad." Napatingin ako sa kanya, may bahagyang ngiti sa labi ko. "Salamat, Rodel." Umiling siya at nagkibit–balikat. "Hindi ka

