Chapter 41– Kalituhan at kaguluhan sa isip Ariana Xiamara NAKATAYO ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya. Paroon at parito. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako. Malamig ang singaw ng sahig sa ilalim ng mga talampakan ko, pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakababa sa magkabilaang tagiliran ko. Kakatok ba ako? Pumikit ako sandali, pilit pinapakalma ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawang itaboy ang kaba. Napailing ako nang bahagya. Ano pa bang pagpipilian ko? Wala akong ibang pupuntahan. Ayoko namang lalo pang magalit siya sa akin. Itinaaas ang kamay ko at mahinang kumatok sa pinto. Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang boses niya mula sa loob. "Come in." I took a deep breath and released hard. Napailing

