Chapter 36 Ariana Xiamara DIRE–DIRESTSONG lumapit si Sabrina kay Azreal, ang kanyang mga hakbang ay puno ng confidence. Napansin ko ang pagbabago sa mukha ng binata—isang gulat na hindi ko mawari kung may kasamang tuwa. At bago pa ako makapag–isip ng kung ano pa, walang pasubaling niyakap na siya ni Sabrina. "Where have you been?" malambing na tanong nito, ang tinig ay parang musika—mahinhin, puno ng concern. "I cooked your favorite—tulingan na may gata at taba ng baboy. Come, let's eat." Matagal bago gumalaw ang mga braso ni Azreal, pero kalaunan, yumakap din ito pabalik. I wasn't prepared for what happened next. Sabrina leaned in and pressed her lips against Azreal's. Hindi lang basta dampi—matagal, puno ng emosyon. And worst? He kissed her back. Parang huminto ang oras habang pi

