Chapter 33 Ariana Xiamara NANG makaalis ang babae, muli akong napatingin kay Azreal. Abala pa rin siya sa pakikipag–usap sa cellphone, nakakunot ang noo at seryoso ang ekspresyon. Ito na ang nakikita kong pagkakataon. Dahan–dahan akong tumayo, kunwari'y pasipol–sipol at inaayos ang hawak kong folder. Then, tumalima na ako. Sumabay ako sa ilang estudyanteng palabas ng opisina, sinisikap maging kaswal sa bawat hakbang. Hindi ako pwedeng magmadali at makatawag ng pansin. Pagdating sa hallway, inilapit ko ang folder sa mukha ko, kunwaring abala sa pagbabasa ng mga papel sa loob. Ang totoo, ginagamit ko lang iyon para matakpan ang mukha ko sakaling lingunin ako ni Azreal o ni Rodel. Huminga ako nang malalim. Ilang metro na lang ang layo ko sa gate. Malapit na. Konti na lang at makakatakas

