Chapter 57–Possessive na Ewan Part 02🔞🔞🔞🔞 Ariana Xiamara HABANG patuloy ang kasiyahan sa mesa nila, si Azreal, napansin kong tumayo ito. Tila may sinasabi pero hindi ko pinansin, pero ramdam ko ang presensya niya habang palapit siya sa akin. Bago pa ako makapag–react, hinapit niya ako sa bewang, mahigpit pero hindi masakit, sapat lang para ipaalala kung sino ang may hawak ng sitwasyon. "If you dont mind, kids, can you excuse us?" malamig pero diretso niyang sabi sa lahat. "It's time to bed. Malalim na ang gabi." Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi man lang siya nagbigay ng pagkakataon na sumagot ako o kahit magpaalam nang maayos. Ramdam ko ang init ng katawan niya mula sa pagkakadikit namin, at lalo lang akong na–conscious nang mapansin kong nakatingin sa amin ang lahat. "Maaga pa po,

