Bitaw Na

240 Words
Bitaw na Mga bagay na nangyari sa nakaraan, Mga bagay na hindi pa nangyayari ngayon. Bitaw na. Kung gusto mong maging malaya, Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Kung gusto mong makita ang liwanag, Bitawan mo ang sarili sa kadiliman na kumakapit sa nakaraan. Kung gusto mong makalimot, Ilabas mo ang bigat na nararamdaman. Kung ayaw mo silang manalo, Bitaw na. Kalimutan at gumawa ng panibagong magandang buhay. Huwag mo silang hahayaan na mang himasok sa buhay mo at ang gulohin ka lang. Bakit hindi mo hayaan na maging masaya ka at magkaroon ng kalayaan ang iyong isipan? Bakit kailangan mong ipagkait ang sarili mong kaligayahan? Bakit hindi mo hayaan ang sarili mo maging malaya at kusang bumitaw sa mga bagay na alam mong dun ka nasasaktan? Bitaw na. Huwag mo silang hayaan na kunin ang iyong kaligayahan. Bakit may nagawa ka bang mali? Mas lalo ka lang gugulohin ko hahayaan mo lang sila. Ipakita mo na matapang ka ay sapat na para bumitaw. Ipakita mo na malakas ka ay sapat para sa iyong kaligayahan. Ang mabuting ganti ay ang kalimutan at bumitaw na. Sa mga nangyari o kung sino man ang may gawa, hayaan mo silang makarma sa kung saan. Ang buhay ay planado. Sarili mo lang ang mahihirapan kung patuloy mong panghahawakan ang mag bagay na dapat ng bitawan, kung hahanap ka ng paraan para maka ganti ikaw ang mag tatagumpay kung kung ikaw ang bibitaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD