BINALEWALA, HUWAG KA NG BABALIK PA!
Noong isang gabe kung kalian saksi ang lahat sa pag-iwan mo sa akin,
Saksi ang lahat kung paano ako masaktan,
Saksi ang lahat kung paano ako lumuha,
Saksi ang lahat kung paano mo ako pinagtabuyan ,
Saksi ang lahat kung paano ako mag maka awa,
Saksi ang lahat kung paano mag durugo ang puso na nag mamahal sayo
Saksi ang lahat kung paano ako mag dusa sa sakit na aking nararamdaman,
Saksi ang lahat kung gaano kita ka Mahal
Saksi ang lahat kung paano mo ako BINALEWALA.
BINALEWALA mo lahat ng mga efforts ko
BINALEWALA mo yung pagmamahal ko sayo
BINALEWALA AT SINAYANG ang lahat na kung ano meron sa atin
Gabi2x , naiiyak sabay tanong sa sarili kung ano ang aking pag kukulang.
Kung ano ba ang maling nagawa , na akala mo wala tayong pinag samahan na bigla mo na lang ako iniwan
Ano ba ang aking maling nagawa ?
Ano ba ang hindi ko nauunawaan ?
Saan ba ako nag kulang ?
Ganun na lang ba kadali itapon lahat ng ating pinag samahan ?
Ganun na lang ba kadali TALIKURAN ang lahat na meron TAYO ?
Ganun na lang ba kadali sayo ang pagtulakan ako palayo?
Pero kung ayaw mo na talaga , please lang wag kang mag bibigay ng motibo para kapitan ko pa.
Huwag na huwag ka ng babalik at pababayaan na kita kung saan ka masaya
At hayaan mo na akong sumaya sa iba.
Hayaan mo na akong kalimutan ka
Hayaan mo na ako humakbang patalikod at tumakbo palayo
Hayaan mo na akong tumakbo mag isa palayo sa isang eksenang puro sakit lang ang nakukuha ko.
Pabayaan mo na akong kalimutan , magdusa sa sakit, masktan ng paulit-ulit, lumuha , maging duawag sa lahat at hayaan mo na ako sa lahat.
PAKAWALAN MO NA AKO SA NAKARAAN NA NAG DUDULOT SA AKIN NG SAKIT AT
HUWAG KA NG BUMALIK PA