Chapter 7

1894 Words
It's been a years since the accident in Netherlands happened. Wala namang ibang nanggugulo sa amin, kung kaya't nasa isip ko na wala lang 'yon. Baka nga nag overthink lang ako masyado. Ngayon naman ay nag aayos ako ng mga gamit ko na dadalhin ko sa Singapore. After 2 years, ay nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob na lumabas ulit ng bansa, wala rin naman akong ibang choice dahil sa Singapore gaganapin ang kasal ng aking bff na si Monique. After how many years of exploring, natagpuan na rin niya ang lalaki na para sa kaniya. Mananahik na rin ang petchay niya sa isang lalaki. "Attorney, Master Hogu is here." saad ng kasambahay ko. Tumango lamang ako rito. Sila Hogu at Zandrius ang kasama ko papunta sa Singapore dahil nauna na sila Monique roon. Nagpaiwan ako rito para tapusin yung lahat ng mga trabaho ko bago ako umalis ng bansa. "Let's go?" Tanong ni Hogu na kakapasok lang sa kwarto ko. Tumango naman ako at hinila ang maleta ko papunta sakanya, para siya na rin ang magbuhat. Nang makarating kami sa sasakyan ay nakita ko roon si Zandrius na natutulog sa upuan. Hindi na lamang ako nag ingay para hindi siya magising, hinayaan ko na lang din na nasa passenger seat siya. Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako sa byahe, nagising na lamang ako nang gisingin ako ni Hogu para sabihin na nandito na kami sa airport. Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Zandrius kung kaya't buhat buhat siya ni Hogu, samantalang ako na ang umasikaso sa mga bagahe namin. Ayaw naming gisingin si Zandrius lalo na't nakatulog daw ito kakaiyak. Habang lumalaki ito ay mas nangungulila ito sa pagmamahal ng tunay niyang mommy. Nabubully daw kase ito sa school dahil sa wala siyang dalang mommy last month sa program nila sa school. Hindi ako nakapunta nung araw na ito dahil sobrang hectic ng schedule ko. "So are you planning to transfer him to other school?" tanong ko kay Hogu habang paakyat kami sa eroplano. "Yes, ililipat ko siya sa ibang school tas susunugin ko 'yong school niya ngayon." seryosong saad nito na kinalaki ng mata ko. "Hey, don't do that. We can just transfer him peacefully." saad ko naman. "Nah, they inflected a pain in my son's heart. Do you think I will allowed them? Of course not." May bahid ng galit ang boses nito kung kaya't hindi na lamang ako nagsalita. Alam ko na kapag sinabi niya ay gagawin niya. "Wala pa rin bang balita sa mommy niya?" tanong ko nang makaupo na kami sa assigned seat namin. "I've been finding her all over the world, but I can't see any trace of her. I'm fine without her, and my son is also fine as long as she's with you." saad nito bago tumingin sa anak niya na hindi man lang nagising. "Parang tunay ko na rin siya na anak, kaya nga kahit 30 na ako wala pa rin akong anak ay masaya ako kase meron naman akong isang Zandrius na minamahal ako na parang tunay niyang ina." naluluha kong saad. "I told you, Yanna. We can be together, since we're both single." saad naman nito. "Manahimik ka, Hogu. Alam naman nating dalawa na wala tayong feelings sa isa't isa. Besides, ikaw lang ang single sa atin, ako kasal pa rin ako kahit saang anggulo tingnan. Iniisip ko pa nga kung paano ako makikipag divorce eh." saad ko naman rito. Pumasok na naman sa isip ko ang kasal kasal emerot na 'yan. Hindi ko alam paano ako makikipag divorce roon sa king ng Netherlands. Malay ko ba kung makakabalik ako ng buhay sa Pilipinas kung pumunta ako roon. "Wala kang balak makipag divorce?" Tanong naman ni Hogu. "Meron, pero naghahanap pa ako ng pagkakataon at nag-iisip pa ako kung paano." sagot ko naman rito. "Why don't you go in your so called husband place? Then asked him directly." sagot naman nito ka akala mo napakadaling gawin. "Hindi yon gano'n kadali 'no. Pero siguro after nitong wedding ni Monique ay gagawa ako ng way para makapag divorce kami." Sagot ko. Sa totoo lang, nahihirapan akong mag-isip ng way pero nakakasiguro ako na gagawin ko lahat ng paraan na alam ko para makapag divorce kami. Kase naman, paano kung makita ko na rin yung love of my life ko gaya ni Monique, edi di pa kami pwedeng magpakasal agad kase nakatali pa ako sa taong pinakasalan ko dahil lasing ako. Nang mag-take off ang eroplano ay nakatulog na ako. Hindi ko na rin namalayan kung ilang oras akong nakatulog. "Mommyta, I'm hungry." Pang gigising sa akin ni Zandrius. Nang lumingon ako sa upuan ng daddy niya, ay wala ito roon. "Where's your daddy?" tanong ko sakanya. "I also don't know, I just woke up." Sagot naman nito sa akin. Dahil nasa business class kami, pwede kaming manghingi ng pagkain sa stewardess anytime. Kung kaya't nakakain na rin kami agad ni Zandrius. Nang matapos kaming kumain ay sakto namang dumating si Hogu. "Gising na pala kayo."saad nito. "Where have you been?" tanong ko "Bathroom." Maikling saad nito, pero hindi ako naniniwala base sa expression ng muka nya pero pinagsawalang bahala ko na lang. "Malapit na tayong maglanding." saad ni Hogu. Tumango lamang ako rito. I can't wait to see Monique. Bukas na ang wedding niya, pero it's already 9:00 in the evening kung kaya't hindi kami makakapag kwentuhan muna dahil marahil pagdating namin sa hotel ay tulog na 'yon. Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin ay nakatulog din ako agad kahit na nakatulog ako sa byahe. ——— Mamaya pang hapon ang Wedding, pero 10:00 A.M. pa lang ay gising na kami nila Hogu dahil kailangan pa naming bumyahe papunta sa venue kung saan ikakasal si Monique. Tinawagan niyo ako kanina at grabe ang iyak niya dahil akala niya hindi ako makakapunta. Hindi naman pwede 'yon. Kaya naman gumayak na kaming tatlo, doon na lang ako magpapaayos sa venue. Nakarating kami sa venue ng 2:00 pm at ang kasal ni Monique ay mamayang alas 4. Dali dali naman akong inayusan ng mga make up artist, dahil ako ang bridesmaid kailangan maayos din ang itsura ko. Nang matapos akong ayusan, ay naisipan ko munang puntahan si Monique sa kwarto na tinutuluyan niya. 3:30 pa lang naman, mahaba pa ang oras. "Mon!" Malakas na sigaw ko ng makita ko s'ya na binibihisan. "Yanna! Omg!" Tuwang tuwa na sigaw niya. Lumapit naman ako agad sakanya, at tinulungan ang mga nag-aasikaso sakanya na ayusin ang gown niya. "You look magnificent!" Papuri ko sakanya ng tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "You too! Bagay na bagay sa'yo ang damit mo lalo na't exposed ang likod mo." nakangiti nitong sabi sa akin bago ako niyakap. "Congrats!" naluluha na sabi ko. Finally, my bestfriend find its own man. "Thank you, oh my, don't cry. Maiiyak din ako." sabi niya na natatawa. "Sige, mamaya na lang ako mag memessage kapag nasa reception na tayo. Para di agad mahulas ang make up natin." Natatawa kong sabi. "Girl, I forgot to tell you. He's here. Ngayon ko lang din nalaman nung binasa ko lahat ng name ng guest namin." kinakabahang sabi nito sa akin. "Huh? Who? What are you saying?" takang tanong ko. "I'm pertaining to the King of the Netherlands. Dwight Kryx. He's here. He is a close friend of my future husband. Ngayon ko lang din nalaman." saad nito. Nanlamig ang sistema ko, bumalik yung kaba na di ko naramdaman sa nakalipas na dalawang taon. "What I'm gonna do?" Kinakabahang tanong ko. "Huwag kang lalayo kay Hogu, atleast when you're with Hogu, you're safe." sagot nito. "Ma'am, we need to go to the venue now." singit ng organizer nila. Sabay naman kaming tumango rito bilang pagsang-ayon. Habang naglalakad kami papunta sa venue ay hindi na nawawala ang kaba sa puso ko. Para akong nanlalambot, pero ayoko na munang magpaapekto at matakot. Dalawang taon na ang nakalipas, marahil ay nakalimutan na niya ako at maaring may iba na rin 'yong kasintahan. Makalipas ng ilang inhale exhale ko ay nawala na rin ang kaba ko. Nang makita ko si Hogu ay agad kong sinabi sa kanya yung sinabi ni Monique sa akin. Hinawakan lang nito ang kamay ko bilang tanda na hindi niya ako pababayaan. Nang magsimula na akong maglakad, papunta sa pwesto ko ay doon nagtama ang mga mata namin ni Dwight. Nothing change, he still have all the goddess features in his face. Mas lalo siyang gumwapo. Hindi rin nagtagal ang pagtinginan namin dahil umiwas din ako agad ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. When the wedding ceremony finished, all of us go to the reception. Pero hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan sa reception ay may humila na sa akin. "What the—!" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang humila sa akin. "Long time no see, my wife." saad nito sa akin na nagdala ng boltaheng kaba sa sistema ko. "Don't touch me!"sigaw ko rito. "Is that the right way to say hello to your husband?"taas kilay nitong tanong. Tanginuminmowagmilo ba't ang gwapo nito? "Please let me go." Mahinahon kong sabi rito, hindi ko na maiwasan na maipakita ang kaba ko. "Don't be afraid, I'm not going to hurt you and I will not allowed anyone to hurt you." Seryosong saad nya na nagpakawala ng kaba ko. Akala ko huhulihin niya na ako at papatayin agad. "Mommy!" Rinig kong sigaw ni Zandrius. Thank god. "Baby!" sigaw ko rito pabalik. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Dwight. Marahil inakala nya na anak ko 'to. "Mommy, daddy's looking for you." nakangiti nyang sabi sa akin bago tumingin sa nasa likod ko. "Hi po." bati niya rito. "Hello, kiddo." bati nito pabalik. "We'll go now, his daddy is looking for me. Good bye." pagpapaalam ko rito. Buti na lamang at dumating si Zandrius. "Where have you been?" Tanong ni Hogu sa akin. "Letchugas ka, buti dumating 'tong anak mo kundi di ako papakawalan ni Dwight" pabulong ngunit may diin kong saad dito. Gulat niya naman akong tinignan. "May ginawa ba siyang masama sa'yo?" tanong niya. Umiling lamang ako bilang sagot. Hindi na ako nagsalita kase nagsimula na ang program. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ako sa stage para mag message kay Monique. "Hi, My dear bestfriend. First I would like to say congratulations to the both of you. I've seen all of the struggles that Monique have been through. I seen all her exploration just to find the man that she want to spend the rest of her life with. I'm so glad, that finally, you found your end game. You're about to open the new chapter of your life, and I'm so proud of you. Just always remember that I'm always here for you, and I love you so much. You're are much more than a bestfriend to me." Naluluha kong saad. "To you, Archer. I only have one message for you. Please take care of my bestfriend, and if you can't handle her anymore just please, please, just bring her back to me. I will handle her if you can't. I don't want her to see crying because you hurt her. I can punch anyone who will try to hurt her. That's all, congrats! I love you both!" masaya kong sabi bago nakipag kampay ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD