Chapter 5

1710 Words
As we arrived in the Philippines, I contacted all of my sources. I told them that I'll be gone for a months. Kailangan ko munang pahupain ang nangyari, bago ako bumalik sa city. I already contact Hogu about what happened and he promised me that he will do everything to keep me safe. Hogu is my bestfriend, we met each other in UP when I was still a law student. Matagal na rin kaming magkakilala kung kaya't kilala na namin ang isa't isa. He's always by my side, so do I when it comes to him. Hindi ko maiwasang mag overthink dahil sa nangyari sa Netherlands. Napakalaking gulo ang ginawa ko, nadamay pa ang mga kaibigan ko. Ayaw ko silang madamay ng tuluyan kung kaya't grinab ko na ang suggestion nila ka magpakalayo-layo muna ako habang fresh pa ang pangyayari. Sinimulan ko na mag-ayos ng mga gamit dahil kailangan ko ng maraming gamit dahil ilang buwan akong mawawala. Hindi rin ako pwedeng mag mall, kase kailangan kong i-cut off ang sarili ko sa lahat ng bagay na pwedeng makapagturo kung nasaan ako. "Here's a bag of money," napatingin ako kay Hogu na nagsalita mula sa likuran ko. Nginitian ko siya, at kinuha ang bag na binigay nya na puno ng pera. "Babayaran ko 'to kapag pwede ko ng gamitin ang credit card ko." sabi ko sakanya. Hindi ko kase pwedeng gamitin ang credit card ko kase malalaman ang location ko kaya sabi ko kay Hogu na mangungutang muna ako ng 10 million peso cash. "10 million is a huge amount of money."saad nito. "I know, pero mas mabuti ng sobra kaysa kulang." Sabi ko. "Where's baby Zandrius?" dagdag ko pa. "He's downstairs. He's waiting for you." Nakangiti nyang sagot. Tumango lamang ako rito. Zandrius is Hogu's son. Isa na ako sa tumayong nanay nito dahil 'yong totoong mommy n'ya ay iniwan sya kay Hogu nung 5 months pa lang ito. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa nanay niya, o kung buhay pa ba ito. Nang mag 5 months si Zandrius ay ako na ang umako na mag alaga rito lalo na't walang alam si Hogu sa pagpapalaki ng bata. Ngayon ay 4 years old na si Zandrius, lumaki ito na kasalungat sa tatay n'ya. Hogu is a very dangerous man, kahit ata sino ay mas gugustuhin na iwasan siya. "Mommyta!" I heard Zandrius voice outside the room. "Baby, mommyta is hear!" I shouted back, so he will know that I'm here. "Mommyta are you done?" He asked while smiling at me. Tumango naman ako rito. Itinuturing ko na, na tunay na anak si Zandrius. Kung kaya't sobrang malapit ang loob nito sa akin. "Are you sure you want to come to mommyta?" I asked while smiling. Nang malaman niya kase na aalis at magbabakasyon ay nagpumilit na itong sumama. Hindi ko naman siya matanggihan. "Yes po. Actually, I'm already done fixing my things po. It's in Daddy's car already." Magalang na sagot nito. "That's good. Mommyta will just finish everything, then we'll go, okay?" Tumango naman ito at yumakap sa akin. Hindi ko naman maiwasan na hindi ma touch sa ginawa niya. Gusto ko na rin magkaanak. Hindi ko maiwasan ang sarili ko na gustuhin ang magkaanak, pero solve naman na ako kay Zandrius, iba lang talaga siguro kung may matatawag ka na sariling iyo. "Let's go, baby?" Nakangiti kong paanyaya. Tumango naman ito sa akin at inabot ang kamay ko. Si Hogu naman ay kinuha na ang mga gamit na inayos ko. Kapag talaga sila ang kasama ko, para kaming isang buong pamilya. Kung kaya't napakasaya ko kapag kasama ko sila. "Omyghad, buti naabutan ko pa kayo." Bungad ni Monique nang makababa kami ng hagdan. Kunot noo ko naman syang tiningnan. "Why mommy Mon?" Inunahan na ako ni Zandrius na mag tanong. "Nothing, baby. I just want to see you guys before you leave." Nakangiting sagot ni Monique bago kami niyakap. "Mamimiss ko kayo" dagdag pa nito ang tila naiiyak. "Saglit lang naman kaming mawawala, basta ikaw na ang bahala rito ha." Saad ko bago kumawala ng yakap sa kaniya. Tumango naman ito at pinunasan ang luha n'ya. Ay umiyak pala talaga s'ya. "Ano kaba? Para namang 1 year kaming mawawala. Saglit lang ang 2 months girl, okay?" natatawa kong saad, kase alam kong maiiyak din ako anytime kapag di s'ya tumigil sa pag-iyak. "Mommyta is right, mommy Mon. Look at daddy oh, he's not sad po kase po saglit lang po yon, besides you can come with us po if you want." Nakangiting sabi ni Zandrius kay Monique. "Aww my baby Zandy. I'm gonna miss you so much." Saad ni Monique. "I will miss you too, mommy Mon." Saad ni Zandrius sabay halik kay Monique. "Let's go. The helicopter is ready." Singit ni Hogu sa pag-e-emote naming tatlo. Itong lalaking talaga 'to kahit kailan eh. Nauna siyang maglakad, nakasunod lamang kaming tatlo sa kaniya. After an 30 mins ay nakarating na rin kami sa helipad na pag-aari ni Hogu. "Take care of my Son." Saad ni Hogu habang niyayakap ang anak niya. "Of course, I will." Nakangiti kong saad. Hindi makakasama si Hogu sa amin dahil may mission pa siyang kailangang tapusin. Kung kaya't pumayag din sya agad na isama si Zandrius sa akin. "Take care!" Sigaw ni Monique bago namin tuluyang isara ang helicopter. I just waved my hand at them as I bid my good bye. "Mommyta, ilang hours po aabutin bago tayo makarating sa isla?" Tanong ni Zandrius nang mag-take off ang helicopter. "I also don't know, baby. You should sleep muna for a while. Mommyta will just wake you up when we arrived there, okay?" Nakangiti kong sabi rito. Tumango lamang ito at ipinikit na ang mata. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko ay nagtitiwala ako kay Hogu kung saan man kami dadalhin ng tauhan niya. Alam ko naman na hindi nya kami hahayaang mapahamak. --- Naglanding ang helicopter sa isang isla. Inabot din ata ng 2 hours ang byahe. Tinitigan ko muna ang paligid, hindi ito crowded na isla. May iilang tao ang narito na sa tingin ko ay mga tauhan ni Hogu. "Baby, we're here." Mahinahon na saad ko habang ginigising si Zandrius. Hindi naman ako mahirapan na gisingin siya dahil dinilat niya agad ang mata niya. Binuhat naman s'ya ng personal body guard n'ya pababa ng helicopter. Agad itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. "This place is so pretty mommyta." Saad nito habang nakatingin sa paligid. "Yes, baby. Let's go to our place muna, after that will tour around the island." Nakangiti kong saad dito. Tumango naman ito sa akin. Inakay na kami ng mga guards papunta sa lugar na tutuluyan namin. Hindi naman ito kalayuan mula sa binabaan namin kanina. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Malawak ito at sobrang laki nito para sa aming dalawa ni Zandrius. Kahit sabihin na may mga bodyguards kaming kasama ay napakalaki pa rin nitong bahay na tutuluyan namin. Kahit saan talaga ako magpunta, palagi kong napupuri ang mga bahay or lugar na pinupuntahan ko. "Everything that we need is already here, Atty." Sabi ng personal body guard ni Zandrius na si Jake. "Who owned this place, Jake? And are we the only one who lives here in the Island?" puno ng kuryusidad kong tanong. "Master Hogu owned this place, and yes, we are the only people here in the island, Atty. However, if you want to interact with other people, we can use the yatch to go to in the island that is near here." Sagot naman nito sa tanong ko. "So, malapit lang ang pinaka bayan dito?" Tanong ko uli. "Yes, attorney. It's only 5 kilometers." konkretong sagot ni Jake. "Okay, thank you. Uhm, can you take care of Zandrius while I'm at the kitchen?" I asked again. Agad naman itong tumango at inakay si Zandrius papunta sa kung saan. Nagugutom na ako, kung kaya't kailangan ko munang magsimulang kumilos dito sa kusina para makakain na kaming lahat. Marahil ay may chief naman na kinuha si Hogu pero gusto kong ako mismo ang magluluto ng una naming kakainin dito sa isla. Kailangan ko na rin masanay dito dahil ilang buwan din akong mamamalagi rito. Hindi pa man ako natatapos magluto ay tumawag na si Monique. "Miss mo agad ako?" Bungad ko sakanya. "Yak, iww. Never." Maarte nitong sagot sa akin. Akala mo naman talaga, sungalnaglin ko nguso nito eh. "Oh, bakit ka napatawag?" tanong ko. "Wala lang. May chika lang din ako HAHAHHSHAHA" natatawang sabi n'ya. "Oh ano naman 'yon?" kunot noo kong tanong. "Si Celestine kase nagtanong sa akin kung pwede raw bang gamitin sa mukha 'yong ph care HAHAHHAHA" tawang tawang sabi n'ya. Si Celestine ay ang bunsong kapatid ni Monique na babae. "Anong sagot mo?" Natatawa kong tanong. "Pwede kung mukha syang kipay" tawang tawang sabi n'ya na kinatawa ko rin. Kahit kailan talaga 'tong si Monique napaka abnormal. "Baliw ka talaga, seryosong nagtatanong yung kapatid mo. HAHAHAHAHAHA" saad ko na hindi mapigilang matawa. "Ewan ko ba roon sa kapatid ko, di ko alam kung saan niya nakuha ang kashungahan." saad nya sa kabilang linya. "Anyways, wala bang ibang balita ryan?" kinakabahan kong tanong. "Wala pa naman, babalitaan kita agad kapag meron." seryosong saad nito. "Thank you in advanced. Ayoko na ma stress dahil sa nangyari pero di ko naman maiwasan na hindi isipin. Hindi ko maiwasang mag overthink." bulaslas ko kay Monique. "H'wag ka mag alala. Ligtas ka naman d'yan tsaka kapag walang naghanap sa'yo dito ibig sabihin wala tapos na 'yong issue." Saad nito na nagpagaan sa loob ko. Sana nga walang maghanap sa akin. Para naman mapalagay ang loob ko. "I'll hang up now. Tapusin ko muna 'tong niluluto ko." saad ko bago tapusin ang tawag. Nang matapos kong magluto ay kumain na rin kami agad, kasama ang mga bodyguards. Naisipan ko rin na mag-ikot ikot muna rito sa isla kasama si Zandrius na tuwang tuwa sa mga nakikita sa paligid. Napakaganda nitong isla, halatang naalagaan nang maayos dahil malinis at maayos. Hindi ka rin mamomroblema sa mga bagay at pagkain na kakailanganin mo dahil meron sa paligid. Atleast I'll be comfortable in this island lalo na't dito kami mananatili ng ilang buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD