Natatawa akong pinagmamasdan si Zandrius na nagtatampisaw sa dagat. Nakatanaw lang ako sa kaniya mula sa dalampasigan, kasama naman niya yung mga body guards kaya hindi ako kinakabahan na malulunod s'ya.
Ang saya siguro maging bata uli, walang problema, stress, at responsibilidad. All you need to do is to enjoy life.
Napangiti na lamang ako nang makita ko na kinawayan ako ni Zandrius. Kinawayan ko naman s'ya pabalik. Kanina niya pa ako inaanyayahan na samahan sya na maligo pero hindi ako pwede dahil may regla ako.
Yes po, opo. May regla ako, hindi nagbunga ang isang gabi na pagkakamali ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na may nabuo kami kahit na gustong gusto ko na magkaanak.
Nakatuon lamang ang tingin ko kay Zandrius nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya doon nabaling ang atensyon ko.
"Walang araw talaga na hindi mo dinidistorbo ang araw ko." Bungad ko kay Monique nang sagutan ko ang tawag.
"Wow, you should be greatful that you have a chance to hear my angelic voice everyday." Litanya nito.
"What do you want?" I asked.
"Nothing, I just want to tell you that I'll be there tomorrow." Masiglang saad nito sa kabilang linya.
"You don't have to go here, Mon. Uuwi na rin kami next week, tapos na ang dalawang buwan na pagtatago ko." Kunot noong saad ko rito.
"How dare you to refused me? You don't have a choice, I'll be there tomorrow with Hogu."
"Fine, take care." I said before I ended the call.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, after a two months of staying here, mamimiss ko rin ang lugar na 'to. Sobrang relaxing niya at talagang mawawala lahat ng stressed mo sa buhay.
Time flies so fast, ang bilis lang natapos ng 2 buwan. Hindi na rin ako kinakabahan na bumalik sa Manila dahil wala naman kaming nabalitaan na may pumunta rito sa Pilipinas at hinahanap ako. Baka nag assume lang ako masyado na hahanapin ako.
"Ouch!" Sigaw ni Zandrius na dahilan para mapalingon ako rito.
Dali-dali akong tumakbo papalapit sakanya nang makita ko na nadapa pala s'ya sa buhanginan habang tumatakbo. It's no one's fault.
"Are you okay, baby?" I asked. Nagpanik naman ako nang makita ko na may dugo ang tuhod niya.
"I'm fine mommy, it's just a small wound." Nakangiti nitong sabi sa akin na tila ba hindi sya nasasaktan. Napailing na lamang ako.
"Let's wash and treat it. You're daddy will be here tomorrow, he will get mad if he saw that." saad ko rito.
Naglakad na kami papasok sa bahay habang akay akay s'ya.
"Are we going home, mommyta?" He asked confusedly.
"Yes, baby. We'll go back in Manila next week." sagot ko.
Tumungo kami sa banyo rito sa first floor dahil may first aid kit naman dito na nakatabi.
Pinaliguan ko muna si Zandrius bago ko ginamot ang sugat n'ya sa tuhod. Hindi naman ito kalakihan, pero kailangan pa ring gamutin para hindi ma impeksyon.
"Mommyta, I want a mango graham po. Can you make some?" magalang na saad nito.
"Sure, baby. Come with mommyta in the kitchen, we'll make a mango graham." nakangiti kong sabi.
Marami akong bagay na namaster gawin dahil kay Zandrius, lalo na ang pagluluto. Kung ano man kase ang nire-request nito ay ako mismo ang nagluluto lalo na kung nasa puder ko s'ya. Ayoko na kumakain s'ya ng kung ano ano mula sa labas kase di ako sure sa luto nila.
Laking pasalamat ko naman na kompleto talaga lahat ng bagay at pagkain dito sa kusina. Hindi ko rin na bawasan yung 10 million na inutang ko kay Hogu kase wala naman pala akong kailangang gastusin dito kaya ibabalik ko na lang 'yong pera.
Nagsimula na akong magready ng mga gagamitin ko sa paggawa ng mango graham. Si Zandrius naman ay tumutulong din sa akin.
"Mommyta can I put this mango now?" Tanong ni Zandrius habang hawak yung sliced mango.
"Yes, baby. Put it on the top." Turo ko rito na agad niyang sinunod.
Maasahan talaga 'tong si Zandrius sa lahat ng bagay. Ang mature rin niya kumpara sa mga bata na kaedaran n'ya.
"Yehey! We're done mommy!" Masayang sigaw ni Zandrius nang matapos kaming gumawa ng Graham. Pinisil ko naman ang pisngi nito kase na-cute-an ako.
"Let's put it in the fridge muna, and let's wait for 2 hours." sabi ko bago ilagay sa ref yung mango graham.
Tumango naman si Zandrius habang pumapalakpak.
"Attorney, they are here." seryosong saad ni Jake, ang personal body guard ni Zandrius.
Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Who?" takang tanong ko.
Bukas pa naman ang dating nila Monique at Hogu, kung kaya't wala akong ideya sa sinasabi ni Jake.
"I am pertaining to Master Hogu and Ma'am Monique." Sagot niya. tumango naman ako.
"Akala ko bukas pa sila." sabi ko.
"Mommy is daddy already here?" tanong ni Zandrius mula sa likuran ko.
"Yes, baby. Let's go and welcome them." nakangiti kong sabi at inabot ang kamay niya.
"Ely and Zandy!" Matinis na boses na sigaw ni Monique.
"Don't call me Ely, Mon." Mataray kong sabi rito.
Yung Ely ay nakuha n'ya sa second name ko na Elyzze. At alam niya na ayaw kong tinatawag na gano'n kase may naalala ako, Ely lang ang tawag nya kapag gusto niya akong asarin.
"Aww, alam ko naman na namiss mo ako. Come on give me a hug, my attorney." Nakangising saad nito.
"Yak. What if sungalnaglin ko ang ngalangala mo?" Saad ko habang baka taas ang mga kilay.
"Sungit." Saad nito bago harapin si Zandrius.
"So how's your so called vacation?" tanong ni Hogu bago ako yakapin.
"Fine. Sobra akong na-relax. Hindi mo naman nasabi na may pagmamayari kang isla." Masaya kong sinabi.
"I just bought it last year. Kakatapos ko nga lang mapaayos 'tong bahay. Sakto naman na kailangan mo ng place kaya dito muna kita pinapunta." Paliwanag niya.
"Daddy, stop hugging mommyta. It's my turn." Singit ni Zandrius na kanina pa ata nakatingin sa amin.
"Sus, kayong dalawa baka bestfriend with benefits na kayo." pang aasar ni Monique na dahilan para batuhin ko sya ng unan na nasa sala.
"Baliw ka talaga. Kung ano ano pinagsasasabi mo." litanya ko.
"Para kase kayong mag jowa." Pagpapaliwanag nito.
"Kapag umabot na ng 30 si Yanna, ako na lang ang magpapakasal sa kanya." Dagdag naman ni Hogu. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Kasal na nga diba? Kaya nga nagtagago" irita na sabi ko.
Nagtawanan naman silang dalawa. Pinagkakaisahan ako ng mga ito ah.
"Ang sungit mo, buntis ka ba?" Takang tanong ni Monique.
"Hindi, may regla ako ngayon." Sagot ko. Baka akala rin nya ay nagbunga ang accident sa Netherlands.
"Akala ko nagbunga na." may ngisi sa labi nya nang sabihin ang mga ito.
Inirapan ko lang sya at tumabi na kila Hogu na nakaupo sa sofa.
"Anyways, Hogu. Ibabalik ko yung 10 million, di ko naman sya nagamit kase kompleto ang mga gamit niyo rito." sabi ko.
"Sige, kunin ko mamaya." sabi lang nya at pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa anak nya.
"Daddy, did you already find my real mommy?" Zandrius asked out of the nowhere.
Nagkatitigan kami ni Hogu sa isa't isa dahil sa tanong ni Zandrius. Alam ko naman na kahit nandito kami ni Monique para tumayong nanay nya ay hinahanap pa rin niya yung totoo n'yang nanay.
Alam ko yung pangungulila niya, dahil naranasan ko rin 'yan. Lumaki ako na walang kinikilalang nanay, yung daddy ko naman ay maagang kinuha ni Lord kung kaya't mag-isa kong tinaguyod ang sarili ko.
"Not yet, baby eh. But your mommy Yanna, and Mommy Monique are here for you." nakangiting sagot ni Hogu. Alam kong mahirap din ang situwasyon niya.
"Even without your real mommy, baby. You have two mommies naman, right? I'm always here for you, and also your mommy Monique." sabi ko at hinawakan ang kamay n'ya.
"What will you do if you find you real mommy?" singit ni Monique na sinamaan ko ng tingin, imbis na nilalayo ko na sa topic eh.
"I will hug her, kiss her, and I'll say that I miss her and I love her even though she's always by my side." nakangiting sagot ni Zandrius pero kita mo ang lungkot sa mga mata n'ya.
"Habang wala pa ang real mommy mo, kami muna ng gan'yanin mo, okay?" sabi ko at hinalikan ko s'ya.
"Yes, mommyta." sabi nito at niyakap ako.
———
Hindi rin naman nag tagal ay natapos na ang isa pang Linggo, at oras na para bumalik sa Manila. Grabe mamimiss ko ang fresh air dito sa isla.
"Yehey! We're going home now!" Masayang sabi ni Zandrius nang mag-take off na ang helicopter.
Tumingin ako sa labas ng helicopter, habang tumataas kami ay mas nakikita ko ang kabuuan ng isla na pinamalagian namin. Sobrang lawak nito mula sa itaas.
"Are you ready to face the city again, my dear bff?" Tanong ni Monique na nasa tabi ko.
"I'm always ready to face everything, Mon." nakangisi kong sabi.
"Weh? Emerot ka. Nagtago ka nga kase di mo kayang harapin yung mga guards ng Netherlands." Pangbabara nito sa akin.
"Well, except that one." natatawa kong sagot.
Girl kahit sino matatakot eh, akalain mo naman death penalty ang nakaatang sa akin kahit hindi pa naman sure pero mas mabuti na ang mag-ingat.
"Are you guys sure that I'm safe to show myself again in public?" tanong ko sakanila.
"100 percent." sagot naman ni Monique pero duda ako rito eh kaya kay Hogu ako tumingin.
"It's safe. Nanggaling din ako sa Netherlands para i-check ang mga kaganapan doon pero all goods naman, mukhang di ka na pinapahanap. Hindi rin nila isinapubliko ang nangyari." mahabang sagot ni Hogu na nagpahinahon sa sistema ko.
Sana nga ay tapos na at ayos na ang lahat. Isa lang naman 'yon malaking pagkakamali eh, malay ko ba na hari pala yon ng Netherlands. It's just an accident.
Minsan na nga lang ikakasal, palpak pa. Emerot, atleast experience talaga na unforgettable.
Napailing na lamang ako sa naiisip ko.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa Manila ay sandamakmak na naman na trabaho ang sasalubong sa akin. Madami na rin raw client ang gustong kumausap sa akin. Kaya mukhang magiging busy na naman ako.