Chapter 4

1463 Words
"Nanaginip ka na kinasal ako?" Takang tanong ko kay Monique. Bumangon naman s'ya sa pagkakahiga para harapin ako. "Oo, sa pagkakaalala ko sa panaginip ko Dwight Kryx name nun, tuwang tuwa pa nga ako na finally kinasal ka na. Atleast madidiligan ka na HAHHAHAHA tas siguro sa sobrang gusto kong makita sa personal si Dwight Kryx, yung King dito sa Netherlands, sya yung napangasawa mo sa panaginip ko." natatawang saad niya na kinalaki ng mata ko. "So hindi nga panaginip ang nangyari?" nakatulalang sabi ko. "Huh? Panaginip nga sabi ko girl." mataray n'yang sabi. "Gaga ka, hindi tayo pwedeng managinip ng parehas at sabay. Ayan din ang naalala ko kagabi." nakatulala kong sabi. "Ibig mong sabihin totoo 'yon? Tanginuminmowagmilo ibig sabihin nagpakasal ka sa king ng Netherlands?!!!!" Malakas na sigaw niya. "H'wag kang maingay." Sabi ko at dali daling tinakpan ang bibig n'ya. "Nagising ako kanina na nasa isang mansion ako, hinabol nga ako ng mga guards kaya napilayan ata ako kase tumalon ako para makatakas" kwento ko sa kanya. "So nagkeme kayo?" nanlaki mata n'ya nang tanungin nya ako. "Ayan talaga ang itatanong mo? Di mo man lang i-check kung okay ako." Naiinis na sabi ko. "So nag ano nga kayo" natatawang sabi n'ya. Tumango na lamang ako bilang sagot. Pero biglang nawala ang ngiti niya nang may marealize s'ya. "Baka ipahanap ka nila." Kinakabahang sabi nito. Hinanap ko agad ang cellphone ko para i-check kung tama ba ang pagkakaalala ko. Tama nga, nasa law nga ng royal family 'yon. Bawal akong kausapin, lapitan at hawakan ang kahit sino sa royal family. Pero ako, hindi ko lang kinausap, nilapitan at hinawakan, naka keme ko pa. Sabay kaming nagkatitigan ni Monique. "Death Penalty ang parusa nila sa kung sino man ang lalabag sa law na 'yon." Kinakabahang sabi ni Monique. Nanlamig ako sa narinig ko. How can I be this stupid? I'm a lawyer, I should have know everything. Pero hindi ko naman alam na King pala siya ng Netherlands. Siya rin naman ang unang lumapit sa akin. Tama. "Siya ang naunang lumapit sa akin, ibig sabihin I have the permission." saad ko na parang ayon ang tanging pag-asa ko. "Hindi tayo sigurado, lalo na nung sinabi mo na hinahabol ka ng mga guards. Girl, ayoko mawalan ng bff. Tara na, alis na tayo." Nagpapanik na saad ni Monique. "Mon, masakit ang ang katawan ko. Tas yung paa ko parang na murder sa sobrang sakit ng bagsak ko kanina. Magpahinga muna tayo." Pagod kong saad na kinalaki ng mata n'ya. "Hoy, walang magpapahinga for today's video. Pagod din ako kase nag exhibition ako kagabi sa kama pero gusto pa kitang makitang buhay kaya umalis na tayo rito sa Netherlands tas magtago ka muna sa isa sa mga isla sa Pilipinas." naghuhuramentadong sabi niya. "Fine, magbibihis lang ako. Pati ikaw mag ayos na." Sabi ko at nagsimula ng magkalkal ng maleta. Sayang naman ang mga damit ko, di ko man lang nairampa rito sa Netherlands. Ano ba naman kasi 'tong pinasok ko? Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Parehas kami ni Monique na nagmamadali na sa pagkilos. "Sayang di na ako makakapag paalam sa chupapa ko rito sa Netherlands, bawi na lang tayo next time, tsaka for sure di ako makakalimutan nun, ang ganda ng performance ko kagabi" natatawa nyang sabi para mabawasan ang kaba namin. Natawa na lang din ako sa sinabi n'ya. Gaga talaga. Sabay kaming lumabas sa hotel room na pinag stayhan namin. Hindi pa man bumubukas ang elevator sa harap namin ay bumakas ang katabi nitong elevator at iniluwa nun ang mga armadong lalaki. Mukha silang mga guards, at ganyan yung suot nung mga guards na humahabol sa akin kanina. Lahat sila ay pare-pareho na kulay pula ang suot at mga armado. Tinitigan laman namin sila ni Monique na nagmamadaling lumakad papunta sa hotel room namin. Wait what? Kumakatok sila sa hotel room namin ni Monique. Nagkatitigan kami ni Monique. Alam kong iisa kami ng iniisip. Nang bumukas ang elevator sa harap namin ay agad kaming pumasok. "Tanginuminmowagmilo ikaw ang hinahanap nun! Buti umalis na tayo!" Nagpapanic na saad ni Monique. "Chill, Mon. Dapat hindi nila mahalata na tayo 'yon. Kailangan ay kalmado lang tayo para hindi nila mahalata. Naayos mo na ba ang flight natin?" Kinakabahan kong tanong. "Oo, ayos ba lahat. Kailangan na lang natin na makarating sa airport ng buhay." sagot nya. Pinipilit ko na pakalmahin ang sarili ko hanggang sa makarating kami sa Airport. Nang makalabas kami sa hotel kanina ay puro guards ang nasa pinaka main lobby, buti na lamang at walang mga guards sa parking lot kung kaya't nakaalis kami ng ligtas. "Grabeng experience ang pinaranas mo sa akin." Umiiling na sabi ko kay Monique. "Ito ang legitimate na unforgettable." Natatawang sabi n'ya na akala mo hindi umiyak sa kaba kanina. Grabe ang iyak nya sa sasakyan kanina nang makita nya na gano'n karami ang mga guwardiya na nagbabantay. Nasabi rin ng driver namin na narinig nya na ang pangalan ko na binabanggit ng mga guwardiya at hawak din nila ang litrato ko kanina na halatang galing sa CCTV dahil nakapatong ako sa pader sa litrato na hawak nila. Napabuntong hininga na lamang ako. Napakalaking gulo ang pinasok ko. Hindi rin naman kami nagtagal sa Airport, dahil nakaalis din kami agad. Kapag nakauwi ako sa Pilipinas, sa simbahan agad ang tuloy ko para magpasalamat kase nakauwi pa ako ng buhay at hindi lasog lasog. "Pumapalakpak pa naman ang petchay ko sa kilig kagabi kase ang pogi ng lalaki na nakilala ko, tas di ko naman aakalain na kakabahan ang petchay ko ngayon" bulaslas ni Monique na nasa tabi ko. "Ang ligalig kase ng petchay mo, sana talaga nag BGC na lang tayo, kahit anak ng presidente ng Pilipinas ang maka keme ko okay lang eh, kaso dito hindi. Jusmiyo" pagod kong saad. Natatawa naman s'ya, "in fairness, napanindigan mo rin ang pangako mo sa sarili mo na hindi ka makikipag bantunan hangga't di ka pa kasal. Grabe kahit lasing na lasing ka na, nagawa mo pang magpakasal bago makipag keme" hindi nya mapigilang matawa dahil sa sinabi n'ya. Totoo nga naman. "Paano 'yon? Kasal na ako? Need ko rin agad makipag divorce roon kapag malamig na ang pangalan ko sa Netherlands." Saad ko habang nakatingin sa bintana. Patake off lang ang eroplano, at nanlaki ang mata ko nang makita ko na nandito sa airport yung mga guwardiya na naka kulay pula. "Nandito sila, Mon." Kinakabahan ko bulong kay Monique. "Sino?" tanong n'ya, pero hindi ko na siya kailangan sagutin dahil tiningnan na rin nya ang tinitingnan ko. "Letchugas, tagal naman mag-take off, akala ko ligtas na tayo." saad ni Monique. "Flight attendants, prepare for take-off please." rinig naming announce ng pilot kung kaya't nakahinga na kami ng maluwag. Gano'n ba kalaki ang kasalanan na ginawa ko kung kaya't hanggang dito sa airport ay sinundan nila ako? Wala naman akong ginawang masama, hindi ko naman sinaktan ang hari nila. Yung King pa nila ang nanakit sa akin, grabe naman kase ang hotdog n'ya talagang nawasak ang katawan ko. Napailing na lang ako sa iniisip ko. Napanatag na lang ako nang mag-take off na ng tuluyan 'yong eroplano. Ibig sabihin hindi na nila ako mahahabol sa Pilipinas. Bumalik naman sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi na akala ko nakalimutan ko na dahil sa sobrang kalasingan. How come that I let someone to touch me? Someone that I just met? No. This is just an accident. Hindi nila ako pwedeng patayin, dahil lang sa law nila na hindi ko agad naalala. Ba't kase di ko kilala ang King ng Netherlands? Edi sana naiwasan ko. "Kasalanan mo 'to, Mon." Paninisi ko kay Monique. "Baliw ka pala eh, ikaw 'tong nagpakasal at nakipag keme roon sa hari ng Netherlands eh hindi naman ako." defensive na sabi n'ya sa akin. "Oo nga, pero ba't kase iniwan mo ako roon, edi sana nakilala mo s'ya." Umiiling na sabi ko. Hindi naman ako galit kay Monique kase ako naman ang may kasalanan ng lahat. Need ko pa ngang magpasalamat kase tinulungan nya pa akong makatakas. "Bakit kase di mo kilala ang King ng Netherlands?" takang tanong nya sa akin. "Malay ko ba, hindi ko nga alam na may royal family pala rito sa Netherlands akala ko sa Spain lang" saad ko. "Hayaan mo na, maghanap na lang tayo ng mapagtatanungan mo for the mean time habang hindi pa natatapos ang issue na 'to. Doon ka magtago sa malayo, sa walang signal. Or tawagan natin si Hogu para matulungan tayo sa pagtataguan mo." Mahabang litanya niya. "Bahala na, ako na ang bahala sa lahat pag-uwi natin sa Pilipinas." saad ko habang nakatulala sa labas ng eroplano. Magpapahinga muna ako dahil pagod na pagod na ako sa nangyari ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD