Chapter 9

1971 Words
Natapos ang gabi na pagewang-gewang akong naglakad pabalik sa tinutuluyan namin. "HAHAHA mommyta is walking like a zombie!" Natatawang saad ni Zandrius habang pinapanood kami ni Hogu. Inaalalayan kase ako ni Hogu na maglakad. Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang tinutuluyan namin. Yung kwarto namin ay may tatlong kwarto rin sa loob. Isa kila Hogu at Zandrius, isa sa akin, at isa kay Jake na personal body guard ni Zandrius. Kung kaya't ayos lang na magkakasama kami kase di naman kami tabi tabi sa isang higaan. Sa sobrang lasing ko ay hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Nakatulog na rin ako agad. ——— Nagising na lamang ako na ubod ng sakit ang ulo ko. Ito ang pinaka ayaw ko na part kapag nag-iinom ng alak eh. Hangover. Gustuhin ko mang bumalik sa tulog ay hindi ko na magawa. Tanginuminmowagmilo. Bumangon na lamang ako para nakaligo dahil lapot na lapot na ako sa katawan ko. Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko si Zandrius na nakaupo lang sa higaan ko. "Good morning, baby." Bati ko rito. Buti na lamang at sa banyo na ako nagbihis kung kaya't di na ako hassle sa pagtakip ng katawan. "Good morning, mommy. Daddy is at the sala with 5 of his friends." saad nito. Kaya naman pala at nandito siya. "Did you eat already?" tanong ko rito habang nag-aayos ng mukha ko. Ayoko naman lumabas doon na walang kaayos ayos. "Not yet. I'm waiting po for you." Magalang na sagot nito sa akin. "Sige, just wait for me, okay?" saad ko rito. Tumango naman ito bilang pag sangayon. Nang lumabas ako ng kwarto ay nasa sala ng ng hotel room namin yung limang kaibigan ni Hogu. Kabilang na rito si Dwight. "Good morning." Nakangiting bati ko sa kanila. "Good morning, Yanna." sabay sabay nila na bati, maliban lang kay Dwight na tila ine-examine ako. "Did you eat already, Hogu?" tanong ko rito. Balak ko kase na magluto na lang ng sarili naming almusal. "Yep, I'm done." sagot nito, tumango lamang ako. "How about you, guys?" tanong ko naman sa mga kaibigan niya. Nagsipagtanguan naman ang mga ito kung kaya't nagpunta na ako ng kusina para magluto ng almusal namin ni Zandrius. "Why don't you just eat in the restaurant inside the resort?" tanong ng kung sino mula sa likuran ko. "Kabayo ka, nagulat ako." saad ko. "Huh?" tanong nito kaya't nilingon ko na. Tumaas naman ang kilay ko ng makita ko na si Dwight pala ang nagsalita. "Nothing. I don't want to go outside to eat. I know how to cook so, I'll just cook rather than going in the Restaurant." Saad ko dito at ngumiti ng peke. Akala ko ay aalis na ito pero nanatili lang itong nakatayo sa pintuan ng kusina. Hinayaan ko na lang ito, kung ayan ang trip niya edi bahala siya. Kahit pinipilit ko na hindi siya pansinin hindi ko magawa dahil nadi-distract ako. "What do you want?" tanong ko na tila nauubusan na ng pasensya. "Nothing." Tipid na sagot nito. Nagkibit balikat na lamang ako. Nang matapos na akong magluto ay nandoon pa rin siya. Nakakahiya naman na hindi ko siya imbitahan kumain tas kami kakain ni Zandrius. "You can join us if you're hungry." saad ko rito. "I'm not hungry, but I want to taste the food that you cooked so I'll eat with you." saad nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o hindi. Inihanda ko naman ang lamesa na kakainan namin. Niready ko na ang lahat at nilagyan ko na rin ng pagkain ang plato nila ni Zandrius. "Are you always like that?" puno ng kuryusidad nito na tanong. "Like what?" Takang tanong ko. "Is that how you take care?" tanong nito uli. "Yes, mommyta is always like that, especially to me." Sagot ni Zandrius. Siya na ang sumagot para sa akin. Tumango lamang si Dwight sakaniya at nagsimula na siyang kumain. Gano'n din ang ginawa ni Zandrius, kung kaya't naupo na rin ako at nagsimula ng kumain. Tahimik lamang kami habang kumakain, hindi rin kase palasalita si Zandrius kapag kumakain. " I thought you're not hungry, Dwight?" tanong ni Hogu na kakapasok lang sa loob ng kusina. "I want to taste the food that she cooked. It smells good so..." sagot nito at nagkibit balikat na. Grabe, di man lang pinuri ang luto ko. "Dwight is here, morons." saad ni Hogu sa likuran niya. Agad namang nagsipag-sulputan yung apat na lalaki na sina Drake, Nicholas, Aster, at Khael. "What are you doing here, bro?" tanong ni Khael kay Dwight. "What do you think?" suplado nitong saad. Ang sungit naman nito. Sumipol naman 'yung tatlo na kinakunot ng noo ko pero pinagsawalang bahala ko na lang. Nagpatuloy lang kami ni Zandrius sa pagkain. Gano'n din naman si Dwight. Nakatangin lamang yung lima sa amin, kasama si Hogu. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nandoon lamang sila. "Thanks for the food." Saad ni Dwight bago lumabas ng kusina. Sumunod naman yung apat na kaibigan niya, at nagpaiwan si Hogu. "So?" saad nito nang makalabas na yung lima. "So what?" mataray ko na tanong dito. "What's your plan?" tanong niya. "I don't have a concrete plan yet." sagot ko at nagsimula ng ligpitin ang mga ginamit namin. "Why don't you talk to him now about that?" Suhestiyon nito. "I can do that, but this is not the right place for that. I'll do that tomorrow when you and Zandrius will go back in the Philippines." sagot ko. "Why don't you do it now?" takang tanong nito. "Because we're here to enjoy, not to open up something from the past." Seryosong saad ko pero nanatili ang ngiti sa labi ko. "If that's what you think is the best, then I'll just support you." nakangiting saad nito. "Thank you. Anyways, can you give me a copy of Zandrius mom's photo? I lost my copy." saad ko rito nang makita ko na lumabas si Zandrius sa kusina. "There's no need. I already saw her." saad nito. Mababatid mo na nagbago ang mood niya dahil dito na tila ba ay may naalala. "Where?" Mahinahon ngunit gulat kong tanong. "Somewhere." saad nito na kinabwesit ko. "Anong somewhere? Tinutukoy ko yung specific na lugar" inis na saad ko na kinatawa n'ya. "Don't worry about my problem, Yanna. Think about your own problem." Natatawang saad nito na halatang ayaw magsabi sa akin ng kung ano. "Fine, basta kapag kailangan mo ako nandito lang ako. Huwag kang mahiya na mag kwento, hindi ka naman na others sa akin." sabi ko at tinapik ang balikat niya bago ako lumabas ng kusina. Tama naman siya, may problem din ako na dapat kong isipin. Hindi ko na muna poproblemahin ang problema ng iba. Kailangan ko munang mag-isip ng plano kung paano ko makakausap si Dwight patungkol sa divorce namin. Nilibot ko ang paningin ko sa tinutuluyan namin. Malinis naman ito kung kaya't wala naman akong gagawin dito. Kaya naisipan ko na maglakad lakad muna sa labas. Napakaganda pala talaga rito. Ngayon lamang ako nagkaroon ng oras para i appreciate ang paligid. Habang naglalakad ay naalala ko si Monique. Nasan na kaya 'yon? Sakto naman na nakita ko si Nicholas na kakalabas lang sa room niya. "Nicholas!" tawag pansin ko rito. "Hi, Yanna!" Nakangiting bati nito sa akin. "Hello, I just want to ask you something about Monique. Do you know where are they now? I kept looking for her but I can't see her." pagpapaliwanag ko rito. "Ow. They already left. As far as I can remember, they go to your room to bid their good byes but your still sleeping and they didn't want to wake you up." pagpapaliwanag nito. "Aww, thank you. I'll go ahead." Nakangiti kong saad dito. Akmang aalis na ako ng magsalita na naman ito. "Why don't you join me? I'm about to go to the pool area." paanyaya nito sa akin. Tutal wala naman akong gagawin ay naisipan kong sumama. "This is a great place. As you can see, it has everything that can attract the tourist. It has its beautiful view, sea, and everything." Saad ni Nicholas habang naglalakad kaming dalawa. "I definitely agree. No wonder why Monique chose this place for their wedding." nakangiti kong saad. "This way." saad nito at iginiya ako paliko. Nagpatuloy lamang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa makarating kami sa pool. "Do you have extra clothes?" Tanong ni Nicholas habang naghuhubad ng top niya. "Yes, in our room. But I'll just removed my clothes." nakangiti kong sabi at pumasok sa CR na nasa tabi lang ng pool. Mabuti na lamang at naka bikini ako. Always ready. Nang lumabas ako ay hindi na lamang si Nicholas ang nandoon. Nandoon na rin si Drake at Khael. "Here she is." Saad ni Nicholas nang makita ako. "Hi, Yanna." Sabay nila na bati sa akin. "Hello. Are you going to swim also?" Nakangiti kong tanong dito. "Yes. Let's go swimming!" Sigaw naman ni Khael at niyakap ako para makasabay nya akong tumalon an kinagulat ko. Bago pa man ako makatili ay lumubog na kami sa tubig. Pag-ahon ko ay naririnig ko nag tatawanan sila. Lahat naman sila ay sinamaan ko ng tingin. "I wasn't ready!"natatawa kong saad. Hindi naman masama loob ko, natatawa pa nga ako eh. "Come on! Jump in the water!" Sigaw ni Khael. Sumunod naman yung dalawa kaya grabe ang talamsik ng tubig. "Woh!" Sigaw nilang tatlo. Ang iingay naman nila. Nagbasaan kami sa pool at puro kami tawanan. Natigil lamang kami sa pagtatawanan ng makita namin si Dwight na papalapit sa amin na nakakunot ang noo. "Having fun huh" saad ni Dwight pagkalapit sa amin. "Yup, why don't you join us? Being with Yanna is also fun." Saad ni Khael kaya napalingon ako sakanya at ngumiti. Tumaas lamang ang kilay nito na tila hindi pinansin ang sabi ni Khael. "I'll go ahead now. I still have a tons of things to do in my office, my helicopter is already. I just come here to bid my good bye." saad nito. "Take care, then. I guess will just see each other again after a month." nakangiting sabi ni Nicholas. Tumango lamang si Dwight sakanila at tumalikod na. Bigla ko namang naalala na yung plano ko na kakausapin ko siya. Ngayon ko na lang kaya gawin? Walang pag-aalinlangang akong umahon sa pool kaya napatingin sa akin silang lahat. "Dwight, can we talk?" kinakabahan kong saad. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang Paa kaya bigla akong na conscious sa sarili ko. "Dress up first, then I'll talk to you. I'll wait for you for only 5 mins. If you can't come back within 5 mins. I'll go ahead. My time is precious, so don't waste it." masungit na saad nito. "Fine, ang sungit mo." Bulgar kong sabi kase alam ko naman na hindi ito nakakaintindi ng Filipino. Dali dali akong tumakbo pumunta sa dressing room pero laking gulat ko ng makita ko na may pila. Wala namang pila kanina. Dahil isa akong mabait na tao, nag antay ako sa pila kahit gusto ko ng sumingit. Makalipas ang ilang minuto ay nakapag bihis na ako. Nang makalabas ako ng banyo, ay wala na si Dwight. Maski ang anino nito ay di ko na makita. "Did he left already?" Tanong ko kila Drake. "Yes, a few minutes ago. He said time's up." Sagot nito. "But he said if you're going to say something important, just go in his office. Don't worry, his company is also here in Singapore. You'll just have to book an appointment." saad naman ni Khael. "Do I really need to book an appointment?" kunot noo kong tanong. Sabay sabay naman silang tumango. Nanghihina ako na umupo sa gilid ng pool. Dapat pala kahapon pa lang ay kinausap ko na siya. I guess I just have to book an appointment tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD