Chapter Seven.

1199 Words
Chapter Seven: New Friend? HEATHER ALEXANDRA'S POINT OF VIEW. Mon day na naman Maaga na naman akong gumising para pumasok sa school. Nakakatamad. "Julia!" sigaw ko. Pumasok si Julia sa kwarto ko at alam kong kinakabahan siya. "Bakit po Ma'm Heather?" tanong niya. "Diba sabi ko sa'yo kagabi na Tapusin mo itong assignment ko?" bulyaw ko sa kanya. "Sorry po Ma'm madami po kasi akong ginawa kagabi" paliwanag ni Julia. Nag hahalo yung emosyon ko ngayun nagagalit ako at the same time naiinis ako kasi hindi niya natapos yung Assignment ko. Nakayuko lang si Julia at hindi umiimik. "From now on lahat ng sasabihin ko gagawin mo" bulyaw ko ulit. "Mapasama man o hindi" dagdag ko pa. ... Nandito kami sa school kasama ko si Julia at ang mga kaibigan ko. "Mukang sira araw mo ngayun Heather ah?" Tanong ni Daisy. "Hindi lang araw ko nasira pati na din gabi" saad ko. "Bakit?" Tanong naman ni Serena. "Kasi di ko pa nakukuha kay Seanley yung mga gamit ko lalung lalu na ang make up at cellphone ko at ito naman si Julia" huminto ako sa pag lalakad para titigan siya naoayuko naman si Julia. "Hindi tinapos yung pinagagawa ko" snaka tingin pa din ako sa kanya habang nakayuko siya. Inirapan ko na lang si julia at nag patuloy sa pag lalakad. May isang estudyante ang nabangga ako at natapon ang juice niya sa damit ko. "What the hell!" sigaw ko. "ay sorry" saad ni Ate girl. "Sorry? May magagawa ba yang sorry na yan para dito sa uniform ko?" tanong ko kay Ate girl. "eh kung buhusan din kaya kita ng juice para pantay tayo?" saad ko. "Sorry po talaga" saad ni Ate girl. Hinawakan ko ang uniform niya at dinala ko siya sa Canteen. Nang makarating na kami s Canteen binitawan ko na din naman siya ng bait ko kasi. Nakayuko lang siya at hindi gaya ng dati pag nambubully pinaalis ko si Julia. Ngayun nasa tabi ko si Julia. "Julia bumili ka dun ng chocolate juice dalawa" saad ko binigyn naman ni Daisy si Julia ng pambili. Agad naman siyang bumili. "Sorry po talaga" saad ni Ate girl. Inirapan ko lang siya habang oaulit ulit na humihingi ng tawad at nag makakaawa sakin. Dumating na din si Julia dala-dala ang juice na pinabili ko. "Tara sa labas kunin niyo yang toyo at ketchup" saad ko. Lintek lang ang walang ganti. Lumabas kami ng canteen at pumunta sa may garden. "Sorry po" saad ni Ate girl. Nakakasawang marinig ang salitang iyan galing sa kanya. Hinablot ko mula kay Maecy ang toyo at binuhos ko lahat sa buhok niya. Tinignan ko sa I.D niya kung anong pangalan niya. Gianna Sydney Brillantes Yan ang pangalan niya. "Kaano-ano mo si Giselle?" tanong ko Same surname kasi sila. "She's my ate" saad ni Gianna. Mag kapatid pala sila. Kinuha ko mula kay Julia ang dalawang chocolate juice at sabay binuhos ulit sa kanya. "Julia pakibuhos sa uniform ni Gianna yung ketchup" saad ko. "Ma'am Heather?" halatang nag dadalawang isip siya. Unang beses ko palang ginawang utusan siya para sa mga binully ko. "Gawin mo!" bulyaw ko. Akmang kukuhain na niya ang ketchup kay Serena pero inunahan na siya ni Serena na ibuhos sa damit ni Gianna ang ketchup. "Tara na nga" saad ko. Tinignan ko si Gianna mula baba hanggang taas. Ang panget niya kamuka siya ni Giselle. Inirapan ko na lang siya at nag lakad. Hindi ako kumikibo hanggang sa makarating kami Sa classroom. "Good morning Students" saad ng prof namin. "Good morning Sir" bati ng nga0 classmate ko sa kanya. Habang ako ito nakaupo lang at walang pakialam sa kanila. "Good morning Miss Heather may iba ka bang guro para sa oras na ito?" Saad sakin ni Sir Gomez. "Good morning Sir" tumayo ako bilang pag bibigay galang.. "oh sige mag si-upu na kayo" saad ni Sir Gomez. I feel sleepy kaya gaya ng lagi kong ginagawa natulog ako. Hanggang uwian tulog ako at ginising na lamang ako ni Serena. "Tara na" saad ni Serena. Tumingin-tingin ako sa paligid wala na pala yung mga classmate ko. Tanging yung mga kaibigan ko na lang nakita ko. Tumayo ako at hindi ko sila pinansin agad kong hinanap si Julia buti naman nasa labas lang siya ng classroom. "I'm Hungry" saad ko sa kanila. "Let's take a picture muna" saad ni Daisy. Hayst ang uto-u***g si Daisy ay picture is Life. "Ma'am Heather nasan po pala cellphone niyo?" tanong sakin ni Julia. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila yung tungkol sa Cellphone ko. "Na kay Seanley yung ibang mga gamit ko" dahil sa sinabi ko napatigil ang tatlo sa pag pipicture.. "paano napunta kay Seanley?" tanong ni Maecy. "Long story wag niyo na alamin" saad ko. "Heather here is your phone" narinig kong sinabi ng lalaki mula sa likod ko. Hinarap ko ito at hindi ako nag kakamali si Seanley nga. Agad kong kinuha ang cellphone ko. "Nasan na yung iba kong mga gamit?" tanging yung cellphone ko lang ang ibinalik niya sakin. "Hindi mo iyon makukuha hanggat wala kang natutunan sakin paisa-isa ko iyon na ibabalik sayo" saad ni Seanley. "Binalik ko lang yang cellphone mo kasi tumatawag yung Dad mo" dagdag pa niya.. "Ano naman ang sinabi mo kay Daddy?" hindi ko pinapakitang kinakabahan ako pero ang totoo kinakabahan talaga ako baka mamaya niyan nag sumbong na siya sa mga alam niyang pinag gagawa ko.. "Sinabi ko naiwan mo yung cellphone mo sa bahay nung tinuruan kita" saad ni Seanley. "Buti naman" saad ko Nakahinga ako ng maliwag akala ko talaga isinumbong niya na ako. Umalis na siya sa harap ko at nakahinga na ako ng maliwag ang saya sa pakiramdam wala si Seanley sa harap ko as in sobrang saya. "Kakain pa ba tayo?" Tanong ni Maecy. "Hindi na, Gumala na lang tayo" saad ko. Lumabas kami ng school. May natatanaw akong isang babae mula sa kabilang kalye. She's look like familiar. "Si Paula ba iyon?" tinitigan ko itong mabuti. "who's paula?" tanong ni Maecy. "Yung babaeng tumulong sakin Kahapon" saad ko. "Alam niyo? Ang bait niya hindi siya nag dalawang isip na tulungan ako" saad ko. Hindi pa din ako maka move on sa kabaitan na ginawa niya even hindi pa kami mag kakilala hindi siya nag dalawang isip na tulungan ako lalu na ang sungit ko pa sa kanya. Tumawid ako para puntahan si Paula. "Bakit wala ka sa School?" tanong ko sa kanya na ikinagulat niya. "He-Heather?" "Yes ako nga and this is my friend" tinuro ko yung mga kupalogs kong friend. "Hi sa inyo" bati sa kanila ni Paula. Pero mababait kasi friend ko kaya di na siya binati. "Again bakit wala ka ngayun sa school?" tanong ko. Ang siga ko naman mag tanong parang pina-paaral ko itong babaitang ito. "Hindi na kasi ako nag aaral, pero kung mabibigyan pa ako ng opportunity para mag aral Mag aaral ako" paliwanag ni Paula Tinitigan ko siya alam kong nag sasabi siya ng totoo. Narealize ko na ang swerte ko pala kasi nakakapag aral ako pero ayaw ko lang seryosohin kasi... Basta malalaman niyo din. "Gusto mo Ipasok kita dito sa Allison Mid?" tanong ko sa kanya. "Wala po akong pambayad ng tuition Fee" saad niya. "Sagot ko na, Parents ko naman nag mamay-ari niyan kaya ilalapit kita" saad ko. "Ano payag kaba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman po" sa sobrang tuwa napayakap siya sakin. "sige bukas ng umaga pupuntahan kita dito mag ayos ka at bukas na bukas din papasok kana kasama ko" saad ko. "Salamat talaga" saad ni Paula. ... Nandito ako ngayun sa garden ng bahay namin nag mumuni-muni kasama ko si Julia. May biglang tumawag sa cellphone ko ang expect ko mga kaibigan ko pero parents ko pala. Buti naman naalala nila na may anak pa sila hindi lang si Ate Hazel. "Hello Alex?" saad ni Mama mula sa kabilang linya. "Don't call me Alex" saad ko. "Heather ang tagal na Nun hindi ka pa din ba makapag move on?" Saad ni Ate Hazel sabatera. Ate Hazel is Right hindi talaga ako maka move-on kaya ayaw na ayaw kong tinatawag akong Alex. there is a story why I don't want to be called by the name Alex. "First of all di ikaw ang kausap ko si Mama" saad ko. "Wag ka ngang sabatera, Demonyita ka na nga Sabatera ka pa" dagdag ko pa. "Ano ba kayong dalawa? Mag aaway na lang ba kayo habang buhay?" alam kong galit si Mama. "Hindi po Ma" sagot ni Ate. Ang sinungling ng demonyitang ito. " what if i say Yes?" napairap na lamang ako kahit alam kong di naman nila nakikita. "Mom wag mo na nga tawagan si Heather ang sama ng tabas ng dila" saad ni Ate Hazel. Hazel ang kapatid kong demonyitang ingiterang sabatera sulsol pa hayst. I really really hate her. Tinapos ko yung tawag ni Mama. Ako na mismo ang nag end ng call naka unahan pa nila ako. "Alam mo Heather kahit ganyan ugali mo may nakikita pa din akong good sides sayo" pangunguna ni Julia. "mabait ka pa din" dagdag pa niya. Bakit mukha ba akong masama? "ayaw kong maging mabait nuh" saad ko at napatingin na lang sa kawalan. "nag papadala ka lang talaga sa galit mo" saad ni julia. Siguro tama nga si Julia galit ako kaya nakakagawa ako ng mga bagay na hindi kanais-nais. But this is me hindi ko kailangan pang maging plastic o maging mabait para magustuhan pa ng iba. "I don't care" saad ko. "Ayaw kong maging mabait" napatingin ako kay Julia na nakatingin din sakin. "Baka kasi pag naging mabait ako abusuhin lang ulit" paliwanag ko. "Alam mo Gabi na nagugutom na ako" pag iiba ko sa topic. "Pumasok na tayo sa bahay" dagdag ko pa. Kumain na ako ng mga hinanda ni Yaya Shay na pag kain at umakyat sa taas para mag pahinga. Napahinga ako ng malalim at nahiga. END OF THE CHAPTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD