Chapter 13

1101 Words
Aria Monique’s Point of View “Half po sa adobong sitaw.” Nginitian ko si ate sa na nagse-serve after maibigay sa akin ang kanin at ulam. Agad na din akong nagbigay ng bayad at binigay din naman kaagad ang sukli. Buti nalang hindi kendi. Minsan kasi kapag walang barya ay kendi ang binibigay eh aanhin ko naman yun? Tipid na tipid ka na nga tapos ganun pa ang ibibigay. Kaya as much as possible, saktong halaga talaga ang binibigay ko.  Gusto ko sana ng traditional breakfast na hotdog at itlog kaso medyo mahal kasi thirty five pesos din yun samantalang itong inorder ko ay 15 pesos lang. Sabi ko nga, nagtitipid ako, kaya ko namang magtiis basta makapag-aral ako.  After kong kumain, pumunta ako ng library para doon na sa banyo doon mag toothbrush. Dahil wala pa namang masyadong gagawin ay doon na din ako nagpahinga. May isang oras naman akong break kaya okay lang. Nung 10:40 na, nagsimula na akong maglakad papunta sa math building kasi doon yung klase ko.  Magkabilang dulo actually ng university yung math building at library pero naisip ko lang na sayang din yung otso pesos. Para na rin to makapag exercise naman ako. Medyo mainit pero may payong naman at maraming puno sa sidewalk kaya hindi na rin masama.  Five minutes to 10 nang makarating ako sa klase. Obviously, mga hindi ko na kilala yung mga kaklase ko kasi ito yung subject na na bagsak ko last sem. Ang saklap nga kasi prerequisite to ng maraming subject kaya naman mahuhuli na talaga ako sa mga kabatch ko. Kailangan ko na talagang pagbutihin ngayon para naman makapagtapos na ako sa lalong madaling panahon.  Ayoko mang aminin pero alam ko namang nakaasa pa rin ako sa tatay ko. Kahit na may galit ako sa kanya dahil kila Regine at Brie ay isa pa rin akong palamunin sa kanya. Sising sisi ako na hinayaan ko si Kian na sirain yung mga pangarap ko. Kailangan ko nang makapagtapos at makapagtrabaho para tuluyan na ding mawala yung connection ko sa mga magulang ko. Sawang sawa na akong intindihin lahat ng mga naging desisyon nila. Lahat kasi ng yun ay nagdulot ng sakit sa akin.  Pumasok si Ma’am Fajardo na siya ring professor ko last sem. Mukha namang narecognize niya ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Hindi naman niya kasalanang bumagsak ako sa subject na tinuturo niya. Magaling siyang guro, sadyang nawala lang ako ng panandalian sa sarili dahil sa mga naranasan ko noong mga nakaraang buwan.  Tulad sa nauna kong subject, maaga din kaming nadismiss dahil nga puro tungkol sa syllabus pa lang naman yung diniscuss ni maam. May dalawang oras akong break kaya balak ko sanang umuwi sa apartment pero nakareceive ako ng text message kay Carter na hintayin ko nalang daw siya sa may gate.  Base sa schedule niya, 12:30 pa ang labas niya tapos alas dos na rin ang sunod na klase kaya pwede kaming sabay maglunch. Hindi ko alam kung binagayan niya yung schedule ko o ano pero masaya na rin ako kasi wala naman talaga kong mga kaibigan dito sa university. Medyo lumayo na yung loob ko sa org pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kian kaya hindi na rin ako masyadong tumatambay sa kanila. Nagpasa naman na ako ng inactivity letter at naghihintay na lang ng magiging desisyon nila. Magkakaroon pa kasi ng body meeting para doon.   Wala pang 12:30 ng makita ko na yung kotse ni Carter. Bumusina naman siya kaagad at hindi ko na siya pinababa dahil ako nalang yung nag;akad papuntang passenger seat ng kotse niya. Ngiting ngiti ako ng tuluyan ng nakasakay sa kotse. Agad din naman niyang pinaandar yun.  “Anong gusto mong kainin?” he asked while his focus was on the road.  “Kahit ano,” i answered kasi ako talaga yung tipo na kahit ano naman ay kakainin. Dahil nga malapit lang yung apartment building ni Carter sa school, wala pa atang 10 minutes ay nandoon na kami. Sadyang traffic lang talaga sa may gate kaya medyo nagtagal pa. Baka nga tatlong minuto kung maluwag ang daan ay mararating na namin ang apartment niya.       “Is chicken adobo okay?” he asked at dumiretso na agad sa kusina pagkatapos niyang ilapag ang gamit sa sala. Itinabi ko din yung gamit ko at sinundan siya.  “Okay lang,” sagot ko at nagsuot din ng apron. Hindi na niya kinuwestyon yung pagsusuot ko ng apron kasi alam naman niyang gusto ko din tumulong. He gave me a peeler at yung mga patatas. Alam ko na yung gagawin doon. Pinalambot naman niya yung manok kasi galing sa freezzer at habang naghihintay ay naghiwa na din ng iba pang mga ingredients na kakailanganin.  “Kumusta ang prerog mo?” hindi ko na napigilang hindi magtanong kasi nga  yun talaga yung isa sa highlight ng araw na ito. Gusto kong malaman kung pinasayaw ba siya.  “I got in,” he answered habnag naka focus sa niluluto.  “Eh ‘di maganda!” natutuwa ko namang sagot. Mahirap talaga mag prerog kaya masaya akong nakuha siya sa unang subok. Kung hindi kasi siya nakuha sa unang prof na pinagtanungan ay paniguradong mapapagod pa siya kakasubok sa iba.  “Pinasayaw ka?” natatawa kong tanong. Ewan ko ba, gusto ko lang talaga siya asarin.  “No.” “What did the professor tell you to do then?” I asked curiously.  “Kahit ano naman daw. Kumanta nalang ako,” sagot niya parang wala lang.         “Really?” gulantang ko namang sabi. Eh pinakanta naman pala kaya natanggap. Sabi ko nga diba, talented si Carter pagdating sa musika.  “Yes. may mga ibang sumayaw though,” he exclaimed at inubos namin yung oras na nagpapakwento ako sa kanya samantalang wala naman siyang magawa kundi sagutin nalang din yung mga tanong ko.     Matapos kumain, maglinis ng katawan at magpahinga saglit, bumalik na din kami kaagad sa school. Pero dahil 1:15 pa lang naman at parehong als dos pa yung klase namin ay tumambay muna kami sa physci building. Dito kasi yung maraming parking space at dito din yung sunod na klase ni Carter. Ako naman ay yung katapat na building lang nito kaya dito na rin talaga namin napiling tumambay.  Habang naglalakad kami sa hallways ng physci ay napapansin ko yung mga tao na nakatingin sa amin. I mean sanay naman ako na palaging may nakatingin kay Carter kasi nga gwapo siya pero iba kasi ngayon. Parang may pinabubulungan sila at yung iba pa ay halatang kinikilig. Hala, ano bang meron?   “Why are they looking at you?”                                   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD