Chapter 7

1862 Words
Aria Monique’s Point of View “Ano bang balak mong lutuin?” I asked him habang naglalakad kami sa pasilyo ng supermarket sa may Centro. Hindi ko pa alam kung anong balak niyang lutuin kasi mga toilet papers palang naman ang binibili niya. Tsaka mga sabon at kung ano anong kailangan sa bahay. Sabagay, wala siguro siyang stock. Kapag malapit na kasi ang bakasyon, ang walang sense na na mamili eh uuwi din naman kami sa Tarlac.  “What do you want?” he asked habang kumukuha ng mouthwash sa may health and beauty na stall.  Gusto ko actually ng kare kare kaso alam ko namang mahal ang karne. Balak ko kasi na ako na ang magbayad ng mga ingredients. Syempre, siya na nga ang magluluto tapos siya pa ang magbabayad. Eh di parang hindi ko din sya nilibre man lang nun.  “Ikaw ba?” tanong ko nalang. Since siya naman yung gusto kong pasalamatan sa pagtulong sa akin eh di siya na lang ang pumili ng gusto niyang kainin.  “Nauna akong magtanong.” “Eh, ikaw na nga kasi mamili. Alam mo namang kahit ano kakainin ko,” pagpupumilit ko pa. Napangiti naman ako ng makita siyang bumuntong hininga. Lalaban pa kasi sa akin alam naman niyang palagi siyang talo.  “Is kare-kare okay?” “Nakakabasa ka ba ng isip?” pinanlakihan ko siya ng mata kasi nga diba, gusto ko talaga ng kare-kare. Mahal ang ingredients pero kung gusto niya din naman ay papayag na ako.  “It’s your favorite,” he exclaimed at naglakad na papunta sa meat section.  “Ihiwalay mo yung sa ingredients ng kare-kare ha,” paalala ko habang sinusundan siya. Hindi naman niya ako sinagot at namili nalang ng karne dun. After that, we went to the fruits and vegetable section para mamili ng gulay. Habang kumukuha siya, kinukwenta ko na sa isip ko kung magkano lahat. Sana naman hindi umabot ng 500 kasi mamumulubi na talaga ako sa mga susunod na araw. Literal na kanin at tubig na lang ako.  “Walang alamang dito. Daan nalang tayo sa tindahan,” he exclaimed.  “Okay,” sagot ko naman. Kumuha pa siya ng itlog at kung ano ano pang pagkain bago kami pumila sa may cashier. Medyo may pila kaya nakatambay lang kami. Hiniwalay ko na yung mga sa kare-kare para maihiwalay ko mamaya sa resibo.  “What are you doing?” takang tanong niya habang nakakunot pa ang noo. Kaya napagkakamalang masungit to eh. Palagi kasing nakakunot na parang ang laki ng problema sa buhay. Tapos ang tahimik pa kapag nasa labas kami eh samantalang madaldal naman siya kapag kaming dalawa lang.  “Ako magbabayad nito,” sagot ko naman at pinagpatuloy ang ginagawa.  “Why?”  “Ha? Anong why? Diba dapat ililibre kita eh gusto mo namang magluto kaya ako nalang magbabayad,” paliwanag ko. “Just leave it there. Ako ng bahala,” sagot niya na nagpakunot naman sa noo ko. “Bakit? Kaya ko namang bayaran.” “Ako na nga. Kakain din naman ako. Just save your money.” “Kaya ko naman bayaran. Naka-budget na ang pera ko at kaya ko namang pagkasyahin. ‘Wag mo naman akong tratuhin na parang pulubi,” hindi ko mapigilang magtaray. Gets ko naman na concern siya sa akin pero kapag sinabi kong kaya ko, kaya ko naman talaga. Ayoko lang nung siya na lang lagi. Siya na lang lagi yung nagsasakripisyo. Mayaman siya oo, pero hindi naman niya kailangan gumastos palagi ng pera dahil sa akin. Nakakababa lang ng pagkatao.  “Okay,” he sighed. “I’m sorry,” dagdag niya pa sabay lapit sa akin. Hinila niya ang braso ko para mapalapit pa lalo sakanya. Para kami tuloy tangang magkayakap dito sa grocery. Haynako, kaya kami pinagkakamalang mag-jowa eh.  “I’m sorry. ‘Wag ka ng magalit sa akin please,” he sighed at naramdaman ko ang baba niya sa may ulunan ko. “Ayoko lang naman na gumastos ka pa dahil alam kong halos wala ng ibigay ang stepmother mo,” he explained.  “Wag ka na nga masyado mag-alala. Naging BS Math pa ako kung hindi ako marunong mag kwenta diba?” I tried to joke para gumaan na lang yung atmosphere sa pagitan naming dalawa. Parang ang bigat bigla eh. Ayoko pa naman yung ganito, gusto ko palagi lang kaming masaya kapag magkasama. “How can I not worry?” “Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong ko habang nakayakap pa rin siya sa akin ng patagilid. Ang tagal naman magbayad ng mga tao sa harapan namin. Pang isang barangay ata yung pinamili.  “Syempre meron,” sagot niya. “Oh, yun naman pala. Kaya ko naman ang sarili ko. Palagi naman akong hihingi ng tulong sayo kapag hindi ko na talaga keri,” I explained. Narinig ko ulit ang buntong hininga niya bago siya bumitaw.  “Okay, naiintindihan ko.” Nginitian ko nalang siya sa sagot niya. Sakto namang kami na pala yung sa counter. Agad ko ng nilabas yung mga pang kare kare mula sa cart at nilapag sa may harap ng cashier.  “Hiwalay po ma’am?” Tanong ni ate girl kaya tumango nalang ako.  Buti na lang nasa almost 300 lang yung mga sangkap. Hindi na rin masama. Tapos nung yung kay Carter na yung iiscan, naghintay nalang ako sa tabi niya.  “Bakit ang dami mong biniling chips eh hindi ka naman mahilig dyan?” takang tanong ko. Sabi ko nga, healthy living tong taong to. Hindi yan mahilig sa mga chichirya at kung ano ano pang junk foods.  “Para sayo,” he answered, which made me raise my brow. “Talaga lang ha. Ilang beses mo kayang sinasabi sa akin na masama ang junk food sa katawan tapos ngayon bibilhan mo ako?” pang aasar ko sa kanya. Paano, akala mo tatay ko siya kung makapagsabi na mabubulok daw yung ngipin ko kakakain ng chips.  “This is not for everyday. Just the days na you're feeling down,” he explained which made me smile. Ang sweet talaga nitong ugok na to! Kaya mahal na mahal ko to eh. Hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. He’s my best friend. Mine alone.  “Paano kung depress ako araw araw?” pang-aasar ko pa ulit. “Bakit ka naman madedepress araw araw?” “Kapag may klase na syempre ma-iistress na naman ako diba?” sagot ko.  “Saan ka ba naiistress? Pwede naman kitang tulungan sa acads para hindi ka gaanong mahirapan,” he exclaimed at saka binayaran yung grocery niya. Nakakaloka na parang ang konti lang naman ng pinamili niya pero umabot na ng tatlong libo yung nakasulat sa resibo. Ang sakit sa mata at bulsa.  “Sus, ‘wag ka nga. Ang dami mo din kayang ginagawa.” Grabe talaga kapag engineering no. I mean sobrang dami ko din namang requirements pero grabe talaga yung kay Carter. Actually, sa Diliman talaga siya pumasa. Chemical Engineering nga yung ipinasa nya dun eh. Eh ang kaso, sa Elbi ako pumasa sa kursong BS Math kaya sinundan niya ako dito.  Ewan ko ba dyan kay Carter. I mean syempre gusto ko naman talaga na magkasama kami pero grabe yung pumasa na nga siya doon tapos nag-apply pa siya ng reconsideration sa campus ko. Eh hindi pa naman tumatanggap ang Engineering department dito ng mga recon, kaya ayun, napilitan siya na mag BS Math na rin sa first year. Nag shift lang siya ulit sa chemical engineering nung second year kami. Ayan tuloy, lagi siyang overload kasi nga ang dami niyang hinabol. Pero wag kayo, university scholar yan si Carter. Consistent pa. Kaya alam kong maraming may crush dito eh. Mayaman na, gwapo tapos ang talino pa. Aba naman, literal na perfect.  Tinanong ko siya dati kung napagalitan siya ni tita Catherine na lumipat siya ng Elbi. Sabi naman niya hindi. Tinanong ko kung bakit tapos sabi niya lang may tiwala naman daw si tita sa kanya. Alam daw niya ang ginagawa niya. Well, tingnan mo naman ngayon, third year na rin siya sa kursong gusto niya talaga. Nakakaproud diba? “Kaya pa rin naman kitang tulungan,” he insisted again while we’re walking towards the parking lot. Halos bitbit niya lahat ng pinamili namin tapos ako yung bag lang na may mga toiletries. Yun ata ang pinakamagaan. Aba, ewan ko dyan, ayaw pa akong pagbuhatin eh kaya ko din naman.  “Oo na lang Carter Isaiah,” sumuko nalang ako kasi ang kulit niya.  Bumyahe na din kami agad at nakarating na sa building niya. Dito siya sa The Mint nag-aapartment. Oo, dito yung mga rich kids ng UP nakatira, parang condo na nga ito eh. Pero studio type siya na malaki. Naka aircon ang mga kwarto at may elevator pa.  Si carter nasa 15th floor ang unit. Mayaman nga kasi. Sobrang laki ng apartment niya na loft style. Pagkapasok mo ng pinto, makikita mo sa kaliwa yung malaki niyang kama. May dalawang naglalakihang bintana din tong apartment. Tapos kapag dumiretso ka, nandun yung kusina na katabi ng sala. Oh diba, may sala pa talaga siya. Tapos sa taas ng sala yung loft niya. Sa taas yung study area aniya. May pasilyo sa tabi ng kusina na papunta sa banyo, sa maliit na storage room s***h laundry area at sa closet niya. Nakakaloka oo pero may closet nga siya dito sa apartment.  Malinis na rin ang apartment kasi nga may housekeeping dito. May palaba nga din eh kaso mas gusto niya na siya ang naglalaba ng mga damit niya. Mamahalin din naman kasi kaya nakakatakot ipalaba. May gucci basic tee nga ito eh, sosyal diba? Nilapag niya sa may kusina yung mga pinamili niya at nagstart na na mag ayos dun. Kinuha ko naman yung bag na may lamang mga damit ko at dumiretso na sa laundry area. “Maglalaba lang ako,” paalam ko.  “Okay,” he answered.  Naglaba lang ako sa laundry habang nagluluto siya. Alam ko din naman na wala akong maitutulong sa kanya kasi nga wala naman akong kwenta sa kusina. Puro prito nga lang yung alam kong gawin eh.  Hindi naman gaanong marami yung mga damit kaya natapos din naman ako kaagad. Buti na lang talaga bongga din yung washing machine niya kaya paglabas ay tuyo na yung mga damit. Pero syempre, sinampay ko parin sa may terrace ng apartment niya.  “Are you done?” tanong niya bigla habang nasa may terrace ako at nagsasampay ng mga damit. “Almost,” I answered.  “I’m done cooking. Maghahain na ako,” he informed me at pumasok na ulit sa loob. Binilisan ko naman ang ginagawa ko dahil nga gutom na rin ako.  Naamoy ko na agad ang kare-kare pagbukas ko ng pinto at agad agad na akong umupo sa dining. He doesn't have an actual dining table pero meron sa may living are niya na convertible into a table kaya doon kami madalas kumain.  Nakahain na yung alamang na binili namin sa tindahan kanina at syempre yung kare kare. Umupo na siya sa tabi ko pagkalapag ng mangga na pinabaon sa amin ni tita Tess.  “Let’s eat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD