Habang binabasa ni Albie ang binigay ni Nicolas sakanya ay di siya makapaniwala. Kilala niya ang kaibigan ng kanyang Daddy na si Albie na kapangalan niya. Kilala niya ito sa pangalan at minsan na din niya ito nakita sa picture. Alam niyang matalik na magkakaibigan sila Albie, Tito Simon niya at kanyang Daddy. Di niya alam kung sasabihin ba niya sa Daddy niya ang nalaman. Sigurado siyang lalong mapapalapit ang kanyang Daddy at si Jordan. Yun ang kinatakutan niya. Alam niyang mahal siya ni Jordan pero alam niya din na mahal din nito ang kanyang Daddy. Di niya alam kung bakit ito nangyayari sa kanya. Makikipagayos na sana siya sakanyang Daddy pero heto hawak niya ang impormasyon na magpapalapit kina Jordan at ng kanyang Daddy. Narinig niya may tumatok kaya naman agad niyang tina

