"Jordan pinapatawag ka ni Mr. Lopez sa office niya" ang sabi ng katrabaho niya. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ni Jordan. Hindi niya alam kung masaya ba siya o takot ba siya makaharap ulit si Alfonzo. Di na niya tinanong kung bakit siya hinahanap. Pumunta agad siya sa office ni Alfonzo. Lalo siyang kinakabahan ng nakatayo na siya sa harapan ng pinto ng office ni Alfonzo. Kumuha muna siya ng maraming hangin at ibinuga niya ito. Bahala na si Batman! ang nasabi nalang ni Jordan sa kanyang sarili. Binuksan na niya ang pinto. Amoy agad niya ang Pamilyar na pabango ni Alfonzo. Di pa niya tuluyan naisasara ang pinto ay bigla nalang may humila at yumakap sakanya. "Jordan" "Alfonzo!" Si Alfonzo na ang nagsara ng pinto at inilock niya ito para wala makapasok bigla. Yakap y

