Naramdaman ni Albie na mahimbing na natutulog si Jordan sa kanyang likuran. Kaya naman dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kanya para di ito magising. Pero di pa man ito nakakagalaw ay agad naalingpungatan si Jordan. "Oh tapos na pala pinapanood mo dude." "Tara doon ka sa kama para makatulog ka ng maayos." ang sabi ni Albie "Hindi ok lang ako Dude. Teka lang anong oras na ba baka ma late tayo sa dinner." "Don't worry dude. May 2 hours pa naman tayo to prepared." Napangisi bigla si Jordan. Sinabihan niya si Albie na sabay nalang sila maligo. At nakuha naman agad ni Albie ang gustong ipahiwatig ni Jordan sakanya. "Matagal tagal na din natin di nagagawa to." ang ngiting sabi ni Jordan "Masyadong maraming problema ang dumating sa pamilya natin. Pero nalampasan nama

