Di akalain ni Alfonzo na makikita niya dito sa mismong kumpanya niya si Jordan. At di niya inaasahan na sa kabila na nagawa niya kay Jordan ay may lakas pa itong magtrabaho sa mismong kumpanya niya. Alam niyang inalok niya dati si Jordan na magtrabaho sa kumpanya noong di pa niya alam ang nangyari. Di niya alam kung magagalit o matutuwa ba siya na nandito siya sa kumpanya. Di man lang siya sinabihan ni Albie na dito magtratrabaho ang kaibigan nito. Inaamin niyang nabigla siya sa sinabi ni Jordan sa kanya noon. Sa lahat ba naman ng tao ay ang anak pa niya ang papatulan nito. At kaibigan pa ni Jordan si Albie. Di lang niya maisip o ayaw lang niyang isipin na nagkakamabutihan sila Jordan at kanyang anak. Nasaktan siya sa nalaman niya. Sobrang sakit hanggang ngayon ay masakit p

