Chpater 34

1228 Words

Di pa din makapaniwala si Nicolas na niloko lang siya ng kanyang Sir Simon. Sinabi pa niya talaga sa kanya na hinahanap siya ng kanyang Sir Albie. Ilang araw na din ang nakalipas ng mangyari iyon na patakbo siyang bumalik sa office niya akala kasi niya ay talagang hinahanap siya ng kanyang Sir Albie. Di niya alam kung bakit nagawa siyang lokohin ni Sir Simon niya. Nasa kanya pa din ang brown envelope. Bigla niyang naalala na nabasa din pala niya ang pangalan ni Sir Simon at Sir Alfonzo sa loob nitong hawak niya. Napaisip siya na dapat pala binigay nalang niya kay Sir Simon ang envelope pero sa panahon ngayon mahirap na magtiwala. Ilang buwan na din siya nagtratrabaho sa kumpanya nila Simon si Nicolas. Sa una ay nahihirapan ito kailangan niyang mag adjust sa bagong trabaho niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD