Di alam ni Albie kung bakit di na pumupunta o nagpapakita man lang si Jordan matapos ang kanilang mainit na pagtatalik. Pinupuntahan niya si Jordan sa bahay niya pero wala man lang tao pati na din sa fast food chain kung saan siya nagtratrabaho ay wala din siya. Nagleave daw ito. Nakita niya sila Sam at Alonzo na pababa ng hagdanan. At mukhang aalis ang mga ito. "Where are you going" ang seryosong tanong ni Albie sa kanila "Punta lang kami sa mall tito" ang agad naman sagot ni Sam Pero di man lang pinansin ni Albie yun. Nakatingin siya kay Alonzo. "Im not talking to you. Alonzo im asking you" ang inis na sabi ni Albie napayuko naman sa pagkapahiya si Sam. "Di mo ba narinig? Akala ko ba amnesia lang ang sakit mo pati ba naman ang pagkabingi?" ang sabi ni Alonzo na nakatingin s

