"Mukhang ang daming ipinapanalingin ni Doel." bulong ni Athena habang nakatingin kay Doel na naka luhod habang taimtim na nanalangin. Kakatapos lang nilang tumanggap ng ostiya nakapag pasalamat na sila at nakapag dasal na nakaluhod pa rin si Doel na parang ang dami nitong ipinapanalangin. "Mukhang basted kahapon pa yan may toyo sabi ni Mama." bulong ni Dean. "Bakit sino ba nililigawan?" "Hindi ako sigurado pero parang tinamaan kay Winter." "Winter? Sino yun." "Remember yung kasal ni Dale ng may isang babaeng brides maid na sumigaw na buntis daw s'ya si Doel ang ama. "Ahhh oo! Kilala ko na." bulong ni Athena ng maalala ang eksena na yun na nag habulan pa ang mga ito. "t****k*rs yun nakita ko s'ya may kasama na sumasayaw." bulong pa ni Athena. "Oo, kakambal n'ya yung isa." "Akala k

