"Nay, wag ka ng magalit sa akin hmmm! Pansinin mo naman ako." parang batang payakap-yakap si Winter sa ina pero panay ang tulak ni Cleo sa anak na nag sisiksik sa kama nila. "Ako Winter tigilan mo sasabunutan na kita e." "Ayaw mo kasi akong pansinin, 1-week na akong nag sosorry sa'yo ayaw mo naman akong i-forgive." "Magpakasal ka na lang ng tuluyan baka yung matanggap ko pa kesa yung nag mumukha kang tanga sa pinag gagawa mo." "Kanino phone yung nang riring?" tanong ni Skyler ng may marinig na tunog ng cellphone. "Phone mo nag riring." wika naman ng ina, inabot naman ni Winter ang bag na ipinatong sa gilid ng kama pero napataktak iyon kaya nanabog ang alam kaya napilitan na bumaba ng kama ang dalaga at simutin ang mga gamit saka tiningnan ang cellphone kung sino natawag. Sumimangot na

