"Winter." tawag pa ni Doel ng basta na lang bumaba ang dalaga sa kotse ng ihatid na n'ya ito sa bahay ng mga ito pero ibinilin sa labas lang daw ng gate wag na daw n'ya ipasok ang kotse sa loob ng bahay. Kaya na pilitan n'yang ihinto ang kotse sa labas ng gate ng mga ito. "Wag ka ng pumasok na aalibadbaran ako sa mukha mo." "Kokey." "Tigilan mo ako," angil pa n'ya sa binata habang dere-deretso na pumasok sa loob ng gate na hindi na nilingon si Doel. Hindi s'ya na inis sa inasal nito kanina kay Frank. Kundi sa pag suka nito sa loob ng office n'ya na talagang kahit s'ya halos bumaliktad din ang sikmura. Dahil lang may hang-over pa ito at isinuka pa yata nito ang lahat ng alak sa loob ng tiyan nito at pati pulutan. Kahit anong ginawang linis ng mga tauhan n'ya sa loob ng office n'ya pakir

