"Hala! Bakit sumikip?" "Kasya yan ipilit mo bilis." giit ni Winter habang isinusuot ang wedding gown n'ya. "Ano ba kasing pinag kakain mo?" tanong ni Megan na papasok sa loob ng kuwarto ng itawag rito na hindi daw kasya ang wedding gown na ginawa n'ya para sa pamangkin. "Wala po Tita." "Kasya pa sa'yo ito ng huling sinukat natin diba? Nag lagay pa ako ng allowance." wika pa ni Megan na pumuwesto sa likuran para ayusin ang gown n'ya ngunit ayaw talagang mag sarado kaya umikot muli sa unahan si Megan saka humingi ng gunting. "Lumaki ang dede' mo buntis ka nanaman ba?" tanong ni Megan saka mabibilis ang kilos ng mga kamay na pinahubad muna kay Winter ang gown para ayusin. After ilang minuto muling pinasuot sa kanya habang deretso ang pag bubunga ng isinusuot sa kanya ang gown at hindi

