"Hindi pa rin kayo nag kaka-ayos?" tanong ni Tracey habang nasa gallery n'ya ito, malungkot na umiling si Winter. "Shonga ka kasi buti nga sa'yo! Away ko to nakisawsaw ka pa." iling pa ni Tracey. "Na sagad lang talaga ako kainis kasi hindi ko na napigilan. Ang gago naman kasi talaga my god nakaka buwisit!" napasubsub sa mesa si Winter. "Hayaan mo na! Mahal ka naman ni Doel I'm sure magkakabati din kayo kasalanan mo din kasi kaya tanggapin mo na." napabuga naman ng hangin si Winter ng may kumatok at pumasok si Jeremiah na may dalang supot ng pagkain. "Kanino galing yan?" takang tanong ni Winter ng ipatong nito ang supot sa table n'ya. "Wala po sinabi e basta ang sabi po para kay Mrs. Lagdameo daw po." agad na inabot ni Winter ang phone at nag mamadaling tinawagan ang asawa na sumagot n

