"Sabi ni Peter pan mag-isip lang daw ako ng maganda makakalipad na ako pero bakit ganun ng isipin kita mas nahulog ako." wika ni Doel na tinutulungan na mag palit ito ng damit. Nurse na lalaki na ang hiningian ni Winter ng tulong ng pag dating n'ya sa hospital para maka-ihi. Ayaw kasi nitong umihi sa benpan na ibigay sa kanila kaya naman pahirapan bago ito maiupo sa wheelchair at bago ulit ito maibalik sa kama. Kanina lang panay ang daing nito at ngiwi ngayon kung ano-ano nanaman lumalabas sa bibig na daig pa ang nakatira ng mariwan* at high na high. "Kelan kaya bubula ang bibig mo?" sagot naman ni Winter na tinawanan naman ni Doel. "Bakit parang diring-diri ka? Mag-asawa naman tayo diba?" "Hindi nga sabi! Nag papanggap lang tayo." "Nag papanggap? Pero hindi iyon ang nararamdam ko e, d

