Sinalinan ni Skyler ng alak sa baso si Doel habang nasa garden sila ng bahay nila after ihatid nito si Winter. Na umiyak pa na parang bata ng makita ang bunsong kapatid na may benda sa ulo. Inakala kasi nito na nasaktan ito dahil din rito katakot-takot na paliwanag pa ang sinabi para lang maniwala ito na isang amang durugista ng isang starlet ang gumawa kay Luna na inakalang girlfriend ni Red at inaagawan ang anak nito. "Pinapak mo ba ang anak ko o kinain mo na ng tuluyan?" tanong ni Skyler kabado naman na ininom ni Doel ang alak sa baso para sana magkaroon s'ya ng lakas ng loob na mag sinungaling ngunit sa huli umamin s'ya na napangiwi. Huminga naman ng malalim si Skyler na ininom ang alak na nasa baso rin nito. "Akala ko mabibigwasan kita ng di oras e, kasi kung itinanggi mo isang mala

