"May chance ba na mag kabalikan kayo ng ex mo?" tanong ni Jace habang nasa loob ito ng bahay nila at kaharap n'ya sa sala. Kung wala lang itong dalang masarap na mangga hindi n'ya ito haharapin dahil wala pa s'yang ligo at tinatamad s'ya lumabas ng kuwarto n'ya. Sinabi lang ni Luna na may dala daw manggang kalabaw na parang masarap daw kaya bigla naman s'ya na ngasim kaya bigla napabangon na s'ya at bumaba na. "Gusto mo ng honest na sagot?" tanong naman ni Winter na panay ang ngibit pero panay pa rin ang kagat ng mangga na isinasawsaw sa bagoong na nasa bote pa na kinuha n'ya sa ref nila. "So may pag-asa talaga?" "Kaya nga diba sabi ko hindi ako natanggap ng manliligaw dahil hindi naman nawala ang love ko sa kanya. Nag pahinga lang ako kasi kung itiniloy pa namin habang na sasaktan nami

