"Psssst! Ate," napalingon si Winter habang masarap ng pag yo-yoga n'ya ng marinig ang pag sit-sit paglingon n'ya nakita n'ya si Elize na nakadungaw sa bintana ng gym sa loob ng bahay. Paano nito naisingit ang sarili nito roon e may halaman sa parte yun, nag tatakaman tumayo si Winter na lumapit roon. "Sunod ka sa likod wag dito daming langgam, saka baka may maka kita sa atin. I-tsismiss nanaman ako at isumbong ako kay Kuya Doel." bulong nito saka nag mamadali na din umalis kahit hindi pa s'ya nag sasalita. Napapakamot ng ulo na napasunod na lang si Winter dahil na cu-curious talaga s'ya sa ganap nito. "Tiyakin mo lang na mapapaniwala mo ako sa excuse mo Ivory dahil kundi isusumbong kita kay Ninong," tukoy n'ya sa ama nito. "Kabit ako ni Kuya Doel." mabilis na sagot ni Ivory sabay pikit

