"Wala ka ba talagang balak na tigilan ako ha," inis na wika ni Winter ng talagang puntahan pa s'ya ni Tracy sa gallery n'ya. "Ayoko lang na mag pakasal na may taong galit sa akin bad omen yun, saka hindi naman kita inagawan may problema ang relas___." "Tumahimik ka nga baka isubo ko sa'yo tong fliers." inis na bulalas ni Winter na dinampot pa ang mga fliers sa center table na nasa pagitan nila. "Alam kong galit ka at bitter ka pa rin na ako ang ipinalit sa'yo ni Frank. At sa totoo lang na aawa ako sa'yo dahil kinailangan mo pang kasabwatin si Doel na alam ko naman na hindi mo magugustuhan dahil diba ayaw mo sa mga lalaki masyadong overqualified kasi diba sabi mo pa noon sakit sila sa ulo." ngisi ni Tracey. "Hindi ba puwedeng mag bago ang taste ko sa lalaki after akong lokohin ng mukhan

