"Anong klaseng hitsura yan?" reklamo ni Tracey ng kaunin si Winter sa bahay ng mga ito at simangot na simangot ito. "Wala na iinis lang ako, tabi d'yan." pina-isod na ni Winter si Tracey na nasa backseat saka naupo na napatingin pa kay Frank na nasa unahan ng kotse katabi ng isang driver. "Sosyal may driver ka parang hindi kayo nakatira sa bundok ah!" biro ni Winter. "Ayoko kasing napapagod ang asawa ko." ani Tracey. "O di wow! Kayo na," wika ni Winter na umirap pa, galing sa checkup ang dalawa sa doctor ni Tracey ng tumawag ang mga ito at niyaya s'yang kumain sa labas kung wala s'yang ginagawa. Ayaw sana n'yang lumabas dahil na bubuwist nga s'ya mula pa kaninang umaga kay Doel dahil 1-week na itong sobrang busy laging kama ang mga kaibigan at halos gabi na din umuwi. Pagod daw ito pe

