"Hindi ako makapaniwala na papayag na yayain mo akong mag lunch out today, sobrang saya ko talaga. Alam mo ba nag bukas ako ng ballet studio at meron na akong 15 student na nag enrolled grabe sobra saya ko. Sayang lang sobrang busy ka yata kaya hindi mo manlang nagawang sumilip nung opening ko. Nag iwan pa naman ako ng invitation sa secretary mo hindi mo ba nakuha?" "Binigay sa akin." matabang na sagot ni Doel. "Sobrang na miss kita dati isang text at tawag ko lang sa'yo ang bilis mong dumating. Mukhang sobrang busy mo na kaya wala ka na sigurong time para pansinin ako. Na approved na nga pala ang divorce ko, single na ulit ako." nakangiting wika ni Jilla na hahawakan sana ang kamay ni Doel pero iniiwas ni Doel ang kamay sabay buga ng hangin. "Dapat noon ko pa ito ginawa pero hindi ko g

