"Any progress sa pinagagawa ko sa'yo?" "None sir," "None? Or may iba kang inaatupag kaya walang progress ang inuutos ko sa'yo." galit na tanong ni Stuart Taylor. "Hindi ako makakakilos ng maayos dahil si Winter Mondragon ang pinabantayan n'yo sa akin, sana si Autumn na mismo ang pinabantayan n'yo sa akin para ________." napigil ang sasabihin ni Jeremiah ng sampalin s'ya nito sabay duro sa mukha n'ya. "Kung hindi lang kita anak tinign mo buhay ka pa ngayon, hindi ka nga umubra noon who make you think na uubra ka ngayon? Malayong-malayo ka sa kalingkingan ni Tom, kaya wag mong subukan na makita ka n'ya dahil kahit hindi ka n'ya kilala maaamoy n'ya ang lasang dala mo." "Then wag n'yo akong hingian ng mabilis na progress dahil may ibang mundong ginagalawan si Autumn." "Utak ang paganah

