"Ang sabi mo dati kang bestfriend ni Winter, bakit dati anong nangyari?" tanong ni Jilla habang nasa isang coffee shop sila ng babaeng nag pakilala Tracey na bestfriend ni Winter pero hindi na daw ngayon. "It's not your business actually." "Then bakit magkaharap pa tayo ngayon, sinasayang mo lang ba ang oras ko?" inis na tanong ni Jilla na ikingiti naman ni Tracey na sumipsip ng kapeng inorder n'ya. "Oras mo? Bakit may trabaho ka bang iniintindi, sa pag kakaalam ko naka banned ka na sa world of balerina." napalunok naman si Jilla na kinabahan na napatingin sa babae. Paano nito na laman ang tungkol sa bagay na iyon confidential ang tungkol sa bagay na iyon na talaga naman inilihim ng buong management ang ginawa n'ya dahilan para gustuhin ng asawa n'ya na makipag divorce na sa kanya. "K

