Taho Vendor
I was smiling widely while munching a sorbetes in my mouth. I am currently sitting on a bench here in Luneta Park while enjoying my dirty ice cream.
"Ay bet!"
Manghang sambit ko habang tinitingnan isa-isa ang mga selfies ko sa aking Iphone. Sobrang gandang-ganda ako ngayon sa sarili ko. An innocent looking girl with a cone of sorbetes in her hand. Mukha akong highschool student sa suot kong pastel pink loose shirt, denim ripped jeans and Balenciaga sneakers. Well, in-enjoy ko lang naman ang ilang weeks naming sembreak. Kasi for sure, stressful na ang second sem ko sa college.
"Ineng, may pera ka ba diyan?" muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang marinig ko ang isang boses.
Mabilis akong tumayo at hinarap ang matandang babae na nasa gilid ko. Hindi ko talaga namalayan ang paglapit niya. Nasa tagong part pa naman ako ng park. Naku! Kapag na-kidnap ako dito, wala palang magiging witness.
"Neng..." Muling pagtawag niya kaya naman napatitig ako sa kanyang mukhang halatang pagod na.
I gulped as I felt a bang on my chest. Bakit may mga taong kailangang makaranas ng hirap? Why is life so unfair?
"Ah, lola. Halika po dito!" Pag-aaya ko at tinapik ang bakanteng upuan sa tabi ko.
Nag-aalangan siyang tumingin at umiling sa akin. Halatang ayaw niya akong makatabi.
"Hindi na, ineng. Mabaho ako eh," aniya at yumuko.
"La, okay ang po! Mabaho rin po ako." Pagbibiro ko para lumapit na si lola.
Ang payat ng katawan niya. Maayos naman ang kanyang damit ngunit hindi nga kaaya-aya ang kanyang amoy. Parang ilang araw na siyang sa kalye natutulog. Ramdam ko ang awa sa kanya. Ang tanda na niya para danasin pa ang ganitong hirap sa mundo.
"Pahingi na lang ng pera, ineng." Nahihiyang tugong niya at naglahad ng dalawang palad.
I felt the tears forming around my eyes. My lips parted as I looked at her old face. I gulped and smiled sadly at her.
"Lola..." I reached for her hand.
Inalalayan ko siyang maupo sa tabi ko. Tinulungan ko siyang ilagay sa tabi iyong malaking bag na dala niya. Sa tingin ko ay mga damit 'yon at pagkain.
"Taga-saan po kayo, lola?" Sinimulan kong magtanong.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Siguro nagtataka siya kung bakit nagtatanong ako sa kanya ngayon. Akala niya ata ay wala akong pakialam. Pero, gusto kong malaman ang tungkol sa kanya. Gusto kong makatulong kahit papaano.
"M-malayong probinsiya. Wala na rin akong kamag-anak dito kaya nagpalaboy-laboy na lang ako." pagkukuwento niya sa mababang tono.
Hinagod ko ang kanyang likod. Mabilis ko ring hinagilap ang bote ng tubig na hindi ko pa nabubuksan. Iniabot ko sa kanya na mabilis niyang tinanggap.
"Wala ho kayong ibang kamag-anak? Baka po pwede nating tawagan, La?"
Alam kong nagiging makulit na ako pero hindi ko kayang isipin na maiiwan siya dito sa lansangan. Walang maayos na matutulugan. She might get diseases, too!
"S-sa Davao pa ako, Hija. May mga pamangkin ako roon ngunit hirap din sila sa buhay. Ayaw kong maging pabigat." Aniya at umiling, nabasa niya ata ang iniisip ko.
I bit my lower lip, thinking on how to help her.
"Lola, may kilala po akong pwede kayong matulungan." I held both of her shoulders and stared at her eyes.
Lola looked surprised.
"H-hindi mo naman ako kilala, hija. Okay lang ako. Nabubuhay naman ako dito sa kalye. May mga tumutulong naman sa akin," saad niya, mukhang ayaw niyang tulungan ko siya.
I heaved a deep sigh before I nod.
"Lola, mas magiging okay po kayo sa shelter. May mag-aalaga po sa inyo doon." I tried to convince her more.
But looks like she closed her mind for that.
"Hindi na, hija."
Wala na akong nagawa dahil mukhang ayaw niyang tanggapin ang offer ko. I decided to took my phone out and opened the camera.
"La, okay lang po ba kung i-video ko kayo? Para po makarating sa mga kamag-anak niyo po?" mahinahong tanong ko.
Ilang sandaling natigilan si lola bago nagpasyang tumango bilang pagsang-ayon. Sa tingin ko ay may malalim na dahilan kung bakit ayaw niya sa shelter para sa mga tulad niyang homeless. Hindi ko naman siya pipilitin na doon tumira, nagsuggest lang ako. Hindi ko rin siya kukuhanan ng picture without her consent.
"Maganda ba ako diyan, hija?" Magiliw na tanong ni lola matapos ko siyang kunan ng ilang pictures.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil mukhang komportable na siya sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya para ipakita ang mga pictures niya.
"Here lola! Ang ganda-ganda mo po." Iniisa kong ni-swipe ang mga pictures niya sa gallery ng phone ko.
Her reaction was priceless. Para lang sa mga simpleng larawan, masaya na siya. Samantalang iyong iba, naghahangad pa ng sobra.
"Ang ganda nga ineng!" Napapalakpak pa si lola.
I chuckled and then told her that I'll record her. She nodded and heaved a deep sigh.
"Okay, lola. Ready in 3...2....1!" I clicked the record button.
Lola smiled lightly and waved her hand.
"Hello sa inyong lahat! Ako si Mirian Sandoval, 67 taong gulang. Nananawagan ako sa mga kamag-anak ko diyan sa Davao. Nasa Maynila ako ngayon at nagpapalaboy-laboy. Sana makarating ito sa inyo. Maraming salamat."
Napalunok ako nang makita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Lola.Tumalikod siya bilang senyales na tapos na siyang magsalita. I immediately cut the video and walked towards her.
"Ayan, okay na po, La. Ipo-post ko na lang po ito para makarating sa maraming tao. Mabilis po kayong matutulungan." ani ko at nginitian siya nang totoo.
Lola seems happy upon what I've said. Later on, I bought her foods so that she can have it for the meantime. Ayon sa kanya, dito lang sa Luneta Park siya natutulog. Kahit saan, basta may bakante. Sobrang naaawa talaga ako kaya kahit labag sa kalooban niya, I contacted the organization that I've been helping. Kung wala mang susundo kay lola sa loob ng isang araw, sila na mismo ang mag-aalaga pansamantala.
Hindi kasi talaga kaya ng konsensiya ko.
"Maraming salamat talaga, ineng."
Lola's face seems grateful while holding my gifts for her. Kaagad ko siyang ibinili ng maliit na tent na pwede niyang tulugan. Mabuti na lang din at mabilis lang ang pag-order online. May mga damit at pagkain rin akong binigay sa kanya.
"Wala po 'yon. Basta, mag-iingat po kayo palagi hu?" I stared at her worriedly.
Halos isang oras na kaming magkausap at masasabi kong magaan na ang loob niya sa akin. Gustuhin ko man siyang dalhin sa shelter ngayon, hindi ko pa rin siya pwedeng pilitin. Ang tanging inaasahan ko na lang ay ang makarating sa mga kamag-anak niya 'yung video na ipinost ko tungkol sa kanya.
"Oo, hija. Pagpalain ka ng Diyos. Napakabuti mong bata. Maganda ka sa panloob at panlabas mong anyo. Sana marami ka pang matulungan." I felt how my heart melted when Lola held and caressed my hand.
I smiled genuinely at her. This reminds me of my days with my grandma who passed away several years ago.
"Thank you din, Lola." I said back, trying to control my tears.
Lola smiled sincerely and stood up. Nagpaalam na siyang aalis na upang bigyan ako ng privacy. Bago siya umalis ay yumakap pa siya sa akin na masaya kong tinanggap. Ang sarap sa pakiramdam na may yakap na magpapapaalala sa akin kung gaano ako ka-swerte sa mundong ito. At ang swerteng ito ay ipapamahagi ko sa iba.
I can't help but to smile while watching our pictures on my phone. Lola left a while ago and I am still grinning from ear to ear. She really made my day so blissful! I watched the videos we filmed together. Plano kong itago 'yon as a great memory with her.
"Kung gusto mong tumulong, hindi mo na kailangang i-video pa."
I almost jumped from my seat when I heard a serious baritone voice behind me. As I look back, I saw a tall man wearing a simple black shirt and faded ripped jeans. He's also sweating because it was almost ten in the morning and the sun was all showed up.
"H-ha!?" I reacted when I faced him.
His forehead creased and plastered a smirk on his face.
"Teka! You seems familiar!" I exclaimed upon seeing his bare face.
Tila wala namang epekto sa kanya ang sinabi ko. Nagkibit-balikat lang siya at sinulyapan ang phone na hawak ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Miss, pinalagpas ko na 'yong ginawa mo last time. Ang sa akin lang, sana kung tutulong ka sa kapwa mo, huwag mo nang i-video pa. Hindi mo kailangang i-broadcast sa buong mundo ang pagkakakawang-gawa mo." panenermon niya.
Napaawang ang labi ko. Hindi makapaniwalang sinabi niya iyon sa harapan ko. Seriously? May opinyon pa rin siya sa pagtulong ko sa ibang tao? Aba't parang wala na akong nagawang tama ah!
"Excuse me, Mister whoever you are. I am telling you, I'm helping because I want to. Don't judge me as if you know the whole story. Documenting a good act isn't about for publicity. For me, it's an inspiration! Para naman mahawahan ang tulad mong pakialamero!" I yelled at him because I was annoyed.
He really judged me, huh! Ang lakas ng loob niyang sabihin na tumutulong ako para ipakita sa social media! Oh my god!
"Miss, opinyon ko lang naman. Huwag mo sanang masamain." kalmadong sabi niya.
Hindi man lang siya na-triggered sa bitchesang attitude ko? Grabe ha!
"You know what?" I raised a brow. "Mind your own business. This is my life and I don't need your f*****g opinion." I fired back with my pissed off expression.
Ilang saglit siyang tumingin sa akin bago tumango. Ngumiti siya ng tipid at naglakad na papalayo sa akin.
"Okay, pasensya na, Miss! Exit na ako." Aniya at kumaway pa bago lumapit sa dala niyang paninda.
Hindi agad ako nakapagsalita nang sundan siya ng tingin. I can't imagine that a good looking man like him would be able to sell taho in this public place!
"H-hey!" I tried to call him but he's already far away from me.
I gulped as I look at his direction.
"Pisteng taho vendor. Pogi nga pero pakialamero!" I yelled and went back on my seat.
Natapos ang araw na 'yon na hindi ko man lang nalaman ang kanyang pangalan.
Nakakapanghinayang naman.