Hades’ POV Habang nasa biyahe ay patuloy pa rin sa pagtulog si Selena, hindi ko alam kung bakit niya pa tinuloy ang pag-inom ng tequila kung alam naman niya na mahina siya sa mga alak. Ngayon na nga lang ako magkakaroon ng kaibigan ganito pa? Paano kung meron akong problema at gusto kong uminom mabilisan lang kasi yung kasama ko sumuko na? Habang nasa traffic napa sandal na lang ako sa aking upuan habang iniinat ang aking katawan. This is the problem here in this place, sobrang traffic lalo na sa ganitong oras dahil rush hour. Malapit na mag 9 pm pero parang wala pa sa kalahati ang tinatahak naming lugar ni Selena. Napatingin muli ako kay Selena sabay hinawakan ang kaniyang buhok. “Marami pa pala akong hindi alam sa iyo Selena,” sambit ko sa kaniya habang siya ay natutulog.

