Hades’ POV Hinawakan ko ang kamay niya sabay tinignan siya ng malambing na dahilan upang mapatigil siya sa kaniyang ginawa. “Go back to your chair,” mahinahon kong utos sa kaniya. Bigla siyang napahawak sa kaniyang bibig dahil sa aking sinabi. “Shocks, Hades wag ganon alam mo naman na marupok ako,” saad niya sa akin. Narinig ko naman na tumawa si Asher dahil sa sinabi ni Selena sa akin. “Sige na, maiwan ko muna kayong dalawa dito,” sambit ni Asher bago siya tumayo sa kaniyang upuan at umalis. Kumuha na ako ng aking pagkain upang ako ay magsimula ng kumain. Habang ako ay kumakain, hindi mawala-wala ang titig sa akin ni Selana kaya hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tinignan ko siya nang seryoso at binalikan naman niya ang mga tingin ko ng mga ngiti niya. “Pw

