Hades’ POV Habang nagmamaneho ako ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kaniya. “Saan mo ba gustong pumunta?” naiinip kong tanong sa kaniya, “kanina pa natin iniikot ang lugar na ito hindi naman tayo makarating-rating sa pupuntahan natin,” saad ko. Napahinga na lang ako ng malalim at tinignan ang paligid sa labas ng aking sasakyan dahil kanina pa kami paikot-ikot sa lugar na ito. “Paano kung saan-saan ka pa pumunta alam mo naman na one-way lang ang lugar na ito kung saan-saan ka pa nagsusuot,” sambit niya sa akin. Napahinga ako ng malalim at tinignan siya. “Kung sana sinabi mo na lang sa akin kanina pa edi sana nakarating na tayo doon diba,” malamig kong sabi. Natawa naman siya sa akin sabay tapik sa aking balikat. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang

