Hades' POV Hindi ko alam kung ano ang dahilan at bigla-bigla kong ini-start ang kotse at dali-dali itong pinatakbo. Itinodo ko na sa 180 kph ang speed ng kotse ko dahil nagmamadali ako. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ng mama ni Drazen. “Huwag kayo magpapagabi mga anak!” bilin niya sa amin. “Maraming mga masasamang tao rito.” paalala niya. Sh*t. Hindi ba siya nag-iisip? Bakit kailangan niya akong intayin? Hindi naman kami magkaibigan. Wala kaming relasyon kaya hindi ko siya maintindihan. Biglang naging traffic ang daan dahil umuulan at maraming pasahero ngayong oras. Lalo akong nakaramdam ng kaba nang bigla kong maalala ‘yung pinag-usapan ng kaibigan ni Drazen. "Chixx pare 'yung babaeng kasama ni Drazen," saad nito at sumipol. "Kinis ng legs." tinignan ko ito at nakati

