Hades’ POV Nakatulala lang akong nakatingin sa kamay ko habang kinakausap ako ng doctor. Hindi ko alam kung ano pa ang sinasabi niya sa akin. After I read Selena’s message, unti-unting bumabalik sa akin ang lahat. “Okay naman na si Hades, kailangan lang magpahinga and after that pwede na siyang iuwi.” Hindi naman ako kumibo sa sinabi ng doctor sa akin at patuloy lang na tinitignan ang sulat ni Selena. “Kasama ko lang siya kanina.” Muling tumulo ang mga luha ko ng sabihin ko ang bagay na iyon. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang wala na siya. Magkasama lang kami. “Hades, ginawa lang iyon ng utak mo para maka-cope up sa sakit na nararamdaman mo, it’s just an illusion.” Napatingin ako sa kaniya nang masama dahil sa sinabi niya sa akin. “So ginagawa ninyo akong baliw? Hindi naman ka

